GF na aktres, bugbog-sarado sa hotel… KIT THOMPSON, KULONG!
ni Julie Bonifacio - @Winner | March 19, 2022

Malaking iskandalo ang kinasasangkutan ng magkasintahang sina Ana Jalandoni at Kit Thompson na naganap sa loob ng hotel room sa Tagaytay kahapon, Biyernes.
Maaga pa lang ay bumulaga na sa social media ang news ng physical injuries ni Ana at pagdala kay Kit sa police station for questioning, hanggang sa kumalat na ang mga larawang ikinulong na ang aktor.
Pitong buwan nang magkasintahan sina Ana at Kit. Happy naman sila sa kanilang relasyon based on the photos na ipinost ni Kit sa kanyang Instagram, na ayon sa mga netizens ay nawala na.
“Deleted na 'yung mga pics nila together sa IG ni Kit.”
True enough, wala nang naka-post na picture ni Kit na kasama si Ana nu’ng silipin namin ang IG ng aktor. Except for one photo na may hinahalikang kamay si Kit pero ‘di kita kung kaninong kamay 'yun. Although, alam ng mga Marites na kamay daw ni Ana 'yun.
Dagsa na rin ang mababasang comments sa ilang IG posts ni Kit na naglalaman ng galit at bashing sa kanya nang dahil sa balitang pambubugbog niya diumano kay Ana.
“Lakas ng loob mo halikan kamay ni Ana, na ang totoo, binubugbog mo rin pala... Hayop.”
“Guwapo lang pero abusado. Nambubugbog ng babae? Ganu'n ba kababa ang worth mo at kailangan mo manakit ng babae, girlfriend mo pa? Kadiri ka!”
Maging ang TV host at manunulat na si Jobert Sucaldito ay kinondena ang ginawa diumano ni Kit kay Ana.
Shocked si Kuya Jobert nu'ng malaman niya na binugbog daw ni Kit si Ana. Anak-anakan ni Kuya Jobert si Ana at naging publicist ng first film na ipinrodyus ng sexy star, ang Manipula.
Sabi ni Kuya Jobert sa kanyang FB post, “Nakakalungkot lang isiping may ganito pa rin palang klase ng lalaking nananakit ng babae. Anong laban ng isang babaeng tulad ni Ana na maliit sa isang lalaking tulad ni Kit na malaking mama at di-hamak na mas malakas kaysa sa kanya? At babae iyon!”
May nag-post naman ng comment na dapat daw ay huwag nang kunin si Kit sa anumang trabaho.
“This guy should be cancelled hard. No buts, no ifs. He should never be hired and should never make an appearance ever again. In fact, no employer in their right mind should ever hire him for any kind of job. He should be embarrassed. His parents should be embarrassed. No one should tolerate this kind of abuse.”
Ang ibang netizens, may “pa-reveal” sa socmed.
“'Di ba, may anger issue 'yan si Kit noon pa? Kahit nga sa PBB pa lang.”
“Kit's long time ex-girlfriend dodged a bullet. Grabe pala 'to s'ya.”
True kaya ‘yun? At sino naman kaya ‘yung ‘long-time ex-girlfriend na ‘to ni Kit?
Ilan sa mga na-link kay Kit ay ang kapwa niya former Pinoy Big Brother Grand Winner na si Myrtle Sarrosa, Karen Reyes at Jane Oineza.
Pero bago pa man pumasok ng PBB si Kit ay girlfriend na niya si Anthea Ruiz.
Then, sa interbyu ni Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda two years ago, inamin ni Kit na may girlfriend siya na isang model para pabulaanan na may relasyon sila ni Pia Wurtzbach.
Almost two years na raw sila ng GF niya during that interview. Pero hindi na sinabi ang name ng kanyang model GF that time.
We wonder sino sa mga naging girlfriend ni Kit dati ang tinutukoy ng netizen sa kanyang comment?





Comments