top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

GF, gamit na gamit daw… NETIZENS KAY ARJO: PERA LANG NI MAINE ANG HABOL MO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 26, 2022




SI Sylvia Sanchez ang guest ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube Channel kamakailan.


Na-tackle nila ang pagtakbo ng anak ni Sylvia na si Arjo Atayde bilang congressman sa 1st District ng Quezon City.


Ayon sa mahusay na aktres, wala sa hinagap niyang papasukin ng panganay na anak ang pulitika.


"Actually, ako pa ang huling nàkaalam dahil ang daming pamba-bash na lumalabas sa social media.


"Kesyo ginagamit lang daw namin si Maine (Mendoza) para sa pagtakbo ni Arjo. Gagamitin lang daw namin ang pera niya, ang McDo at kung anu-ano pang pamba-bash," bungad ni Sylvia.


"May lumalapit din sa amin na kung puwede, pahintuin namin si Arjo na tumakbo.


"Knowing Arjo, 'pag nagdesisyon 'yan at alam niyang nasa tama siya, hindi 'yan uurong. Kaya pinababayaan lang namin siya.


"At natutuwa naman kami na hindi niya pina-front si Maine sa kanyang pangangampanya.


Kami na ang nagtutulung-tulong na pamilya para kay Arjo. Lalo na at naka-locked-in taping siya ngayon, kami ang umiikot at nagiging boses ni Aŕjo," mahabang sabi ni Ibyang.


May paliwanag din ang aktres sa isyung ginagamit ng pamilya nila si Maine.


"Hinggil naman sa ginagamit umano namin si Maine, siya pa ang nag-sorry sa amin."


Ang tanong ni Ogie sa mahusay na aktres, "Wala bang siraan na si Maine Mendoza, eh, parang, 'ginagamit' ng mga Atayde para umangkin ng mga supporters?"


"Actually, hindi pa tumatakbo si Arjo, ibinato na 'yan sa anak ko, eh. Pinagtawanan na lang ng anak ko 'yun, eh. Pati nga ako, ginagamit ko raw si Maine dahil wala raw kaming mga career.


Hindi raw kami sikat.


"Alam mo, Mare, sa totoo lang, hiyang-hiya si Maine, nagso-sorry. Sabi niya, 'Tita, I'm sorry.'


Kasi 'yun nga, sinasabi na ginagamit. Ang habol daw namin kay Maine, 'yung milyon niya, 'yung pera niya, 'yung McDo niya. 'Yung ganu'n na paninira."


"Mayaman din naman kayo," sey ni Ogie "kaya ako natawa."


"Sinasabi ko kay Maine, 'Maine, hindi ikaw ang namba-bash, hindi ikaw ang naninira. At hindi ganu'n ang paniniwala mo sa amin. So, okay na kami ru'n, masaya na kami.' Ang importante, si Maine at si Arjo at ang pamilya ni Maine at kami."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page