GF daw ng friend ng ex-BF? SIGAW NI ANDREA: NAKAHUBAD ANG NAHULI KONG BABAE SA KUWARTO NI RICCI
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 2, 2023

Naku, ayan na, mga Ka-BULGAR ang inaabangan ng mga Marites — ang pagsasalita ni Andrea Brillantes sa mga naging pahayag ng ex-boyfriend niyang si Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda.
'Di ba nga, mariing idinenay ni Ricci na 'yung nahuling babae ni Andrea sa kanyang condo unit ang dahilan kaya sila naghiwalay?
Pero sa latest interview ni DJ Jhai Ho kay Andrea, ang 'nananampal' daw na pahayag ng aktres patungkol sa naging pagdedenay ni Ricci ay, "Lol! Nakalimutan niya 'atang sabihin na hubad kong nadatnan 'yung girl sa kuwarto niya. Tulog siya, 'di raw niya alam ang nangyari, lasing sila.
Marami pa siyang hindi minention."
Wahhh! Nasa'n na ba kasi ang friend na sinasabi ni Ricci na tunay na BF daw nu'ng girl na nahuli sa condo niya?
Another case of 'as a friend' na naman ba itey?! Lol!





Comments