GF, 12 yrs. pinaasa, walang balak pakasalan… XIAN, INAYAWAN NG FANS NI KIM
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 14, 2023

Photo : Kim Chiu
Inayawan na at may banta pa ang mga fans and supporters ni Kim Chiu na ibo-boycott nila ang anumang pelikula o serye na kasama si Xian Lim.
Ito ay bilang suporta nila sa kanilang idolo na si Kim Chiu na pinaasa lang pala ni Xian. Twelve years ang itinagal ng kanilang relasyon pero hindi man lang ito nagbanggit kay Kim ng kanyang plano para sa kanilang relasyon.
Hinihintay lang ni Kim na mag-propose sa kanya si Xian, pero hindi naging priority ng aktor ang kanilang relasyon.
Sa kanyang career naka-focus ang atensiyon at panahon ni Xian. At never nilang pinag-usapan ni Kimmy ang tungkol sa pagpapakasal.
Well, for sure, dumating na rin sa punto si Kim Chiu na nauntog at nagising sa katotohanan. Wala na siyang aasahan pa sa pangarap niyang makasal at magkaroon ng sariling pamilya.
At iba rin ang direksiyon na gusto ni Xian Lim. Marami pa siyang pangarap na gustong abutin bilang aktor at direktor, kaya hindi niya magawang seryosohin ang relasyon nila ni Kim Chiu.





Comments