top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Gets mo, Ruffa? HERBERT KAY KRIS: ANG AKING PAGMAMAHAL SA IYO AY HINDI NA MAWAWALA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2022
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 5, 2022



Sinagot ni Herbert Bautista na kumakandidatong senador ngayong May 9 election si Kris Aquino sa sinabi nito sa campaign rally nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan, na kumakandidatong presidente at bise-presidente ng Pilipinas noong Marso 23 sa Tarlac City.


Nabanggit ni Kris na huwag iboto ang ex na hindi tumupad sa pangako, bagay na nahulaan ng lahat na si Bistek, kahit hindi binanggit ng Queen of Social Media ang pangalan nito.


Sa ginanap na campaign rally ng UniTeam sa Paniqui, Tarlac nitong Sabado, Abril 2, ay pinayuhan ni Herbert na magpagaling ang mama nina Josh at Bimby.

“Seriously, mga kaibigan, heto na lang ang aking message sa kanya, nanginginig ang tuhod ko. Hahahaha!


“Malaki ang respeto ko sa pamilya mo, at saka sa iyo (tilian ang mga tao) at ang aking pagmamahal sa iyo bilang kaibigan ay hindi na mawawala. So, pagaling ka, kain ka nang marami,” payo ni Herbert kay Kris.


Wala pang sagot si Kris sa pahayag na ito ni Bistek, baka kasalukuyang nagpapahinga o nag-detach muna siya sa social media pero activated pa naman ang FB at Instagram account niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page