top of page

Gets mo, Bea? HIRIT NI JULIA: ANG MGA MAG-EX, DAPAT MAGKAKAIBIGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2022
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 14, 2022



Napukaw ang pansin ng ilang kababayan natin dahil sa naging statement ni Julia Barretto sa naging guesting niya sa Maritest segment ng noontime show na Tropang LOL.


Sa nasabing segment, natanong si Julia ng host na si Matteo Guidicelli ng ganito: “Sino'ng sikat na aktor ang nali-link ngayon sa YouTube content creator na si Bella Racelis — dahil madalas i-like ni aktor ang mga posts ni girl.”


Kahit pa may mga ibinigay na names ng aktor si Matteo bilang choices, sinabi ni Julia na nahihirapan siyang sagutin ang tanong na nauwi sa pagtatanong nito sa audience bilang paghingi ng tulong.


Bukod kay Joshua, pinagpilian ang name nina Donny Pangilinan, Alden Richards at Diego Loyzaga.


Hanggang nag-decide si Julia na piliin ang pangalan ni Joshua, na siyang tamang sagot sa itinatanong ng host.


Biniro ni Matteo si Julia and called it a “sensitive topic” to discuss dahil may history nga ang aktres at si Joshua.


Sagot naman ni Julia, “Hindi ako sensitive. Iko-correct ko lang, ha? Kasi siyempre, 'pag past, dapat i-let go mo 'yan with grace and with gratefulness. So, kapag binabalikan mo ‘yan, dapat, walang bitterness. Dapat, magkakaibigan lang. Kung saan siya masaya, doon tayo masaya. Same with Diego, Alden, Donny,” depensa ng aktres.


Napaisip tuloy ang mga netizens at naalala ang isang dating statement ni Bea Alonzo na hindi niya pa kayang patawarin at makaharap o makasama ang ex-BF na si Gerald Anderson na ngayon nga ay boyfriend naman ni Julia.


Tanong nila, hindi kaya para kay Bea ang tinurang 'yun ni Julia?


Anyway, tungkol kina Joshua at Bella, sabi lang ni Julia, “Oh, that’s nice, that’s nice. Good for both of them. That’s good. Masaya tayo para sa kanila. Approved! Kung saan ang happiness, doon tayo.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page