top of page

GERALD, SOBRANG SAYA NG PUSO, MAG-AASAWA NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2021
  • 3 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 20, 2021




Sa YouTube vlog ng former Pinoy Big Brother (PBB) co-housemate ni Gerald Anderson na si Joe Vargas, gumawa ito ng Q&A portion na sasagutin ng aktor sa pamamagitan ng pagsu-shoot ng bola.


Ang title ng vlog ay Gerald Anderson Umamin Na! | Q&A Vlog | Meet Joe Banx na ginawa sa gym ni Gerald.


Kapag hindi nai-shoot ng aktor ang bola, kailangan niyang sagutin ang tanong.

Sa first question na “How do you define love?” hindi nai-shoot ni Gerald ang bola kaya sinagot niya ang question.


Aniya, “Team work. It has to be fair. Kailangan, buo ka rin bago ka pumasok sa isang relasyon para hindi ka umaasa sa isang tao lang. Kailangang buo ka, buo ‘yung partner mo, para ‘pag nagsama kayong dalawa, may teamwork and understanding.


“Kung anuman ang insecurities n’yo sa buhay, kumbaga huwag ninyong ipasa sa partner n’yo ‘yan. You have to work through it together.”


Sa question naman kung sino sa mga ex niya ang gusto niyang apiran, nai-shoot ng aktor ang bola.


Kitang-kita sa video na sinadyang isablay ni Gerald ang bola sa question na “Any plans of getting married?”


Sey ni Gerald, “Siyempre naman! Iyon ‘yung next chapter ng buhay natin. Inaayos na natin lahat ‘yan.”


Sa tanong na “May anak ka na ba?” sey ng aktor, “Wala pa. Sana, meron na soon.”


Nai-shoot naman ni Gerald ang bola para sa tanong na “Taken ka ba ngayon?”


Sa question na “Ano’ng meron sa private resort mo na wala sa iba?” sey ng aktor, “Marami… maraming memories. Mula sa lupa lang ngayon, kami ang gumawa sa lahat. Pinaganda talaga namin para masiyahan ang mga taong pupunta roon.”


Sa tanong naman na “Gaano kasaya ang puso mo ngayon?” sagot niya, “Sobra… sobrang saya, marami akong dahilan para lalo akong maging masaya…”


Natanong din ang aktor kung ikino-consider ba niyang iwan ang showbiz for good at aniya, “Marami kasing ibinigay ang industriya natin. I don’t think na iiwan ko. Pero, siguro take a rest, but hindi ko siya iiwan. I don’t think na puwede ko talagang iwan ever, pero ‘yung mag-relax, mag-chill from work, sigurado ‘yan. Mangyayari na, actually.”


Dagdag pa ng aktor, “Siyempre, ‘pag nagtrabaho tayo, ibinibigay natin ang 120 percent, so kailangan din ng kaunting rest para makapag-recharge.”


Sa pahabol namang tanong na “What is your great achievement?” saad ng aktor, ang magkaroon ng mga mabubuting kaibigan despite ng mga masasamang ibinabato sa kanya.


Aniya pa, “Having a good team na laging ‘and’yan… achievements sa akin ‘yun.”


Komento naman ng mga netizens sa mga sagot ni Gerald…


“Pakasal ka na, Budoy. Mature at stable ka na rin naman.”


“Marami siyang achievements on his own. Nakita ko kung paano n’ya binuo ang resort n’ya. Hindi s’ya nagbibisyo, healthy ang lifestyle n’ya. ‘Di s’ya pumapatol sa mga naninira sa kanya at kahit hate s’ya ng marami, nananatili s’yang matatag. For me, that is maturity.”


“Nakasabay ko sa plane before. Normal lang naman. Medyo madumi ring tingnan kung iko-compare kina Rayver Cruz at Jake Cuenca. Nakasabay ko before sa ABS-CBN event nila.”


“I admire him na strong s’ya despite pagtulungan s’ya ng lahat ng tao. Inspiration s’ya sa mga taong may pinagdaraanan at nabu-bully na tuloy lang ang buhay. Kahit mahirap, sige lang si Gerald.”


May nagsasabi namang para raw kay Julia Barretto ang mga sagot ni Gerald dahil ito ang rumored girlfriend ngayon ng aktor.


Sey pa ng netizen, “Palakpak-tainga ni Julia kasi s’ya ang present GF n’ya, so parinig nang todo si Kuya na parang ang aktres na ang kanyang forever. Galing talaga ni Budoy. Kapag nakahanap na naman ‘yan ng iba, let us see.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page