GERALD, NAGSALITA NA SA SECRET MARRIAGE NILA NI JULIA
- BULGAR
- Jan 8, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 8, 2023

Itinanggi ni Gerald Anderson na secretly married na sila ng girlfriend na si Julia Barretto tulad ng hinala ng ilang fans and netizens.
Napansin kasi ng mga netizens na sa pamilya Barretto nag-celebrate ng Christmas and New Year’s eve si Gerald, kaya ang tanong nila ay kung mag-asawa na raw ba ang dalawa.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Gerald, natawa na lang ang aktor sa tsismis. Aniya ay hindi niya itatago sa publiko kung kasal na sila.
“Come on, guys, I wouldn’t ano, hindi ko gagawin sa inyo ‘yan. 'Pag dumating tayo d'yan, it’s nothing to hide, ‘di ba? At saka, hindi na ako sa edad na ‘yun,” natatawa niyang sabi.
“It’s not true,” pagtanggi niya.
Pero inamin naman niyang si Julia na ang ‘the one’ para sa kanya. And if ever ay gusto na raw niyang magkaroon agad ng pamilya.
“Is she the person? Yeah! But you know, knowing me, 'pag nangyari ‘yun, I wanna start a family right away. Gusto ko, tuluy-tuloy na,” aniya.
Pero bago raw ito, gusto muna niyang masigurado ang future ng kanyang magiging pamilya.
“I’m in a position na I know na kahit ano'ng mangyari, maging settled ‘yung family ko. We’re almost there, but you know, ano pa, just a little more, konti pa,” aniya.





Comments