GERALD, NAKA-617 SHOWS NA PARA SA MISS SAIGON
- BULGAR
- May 15, 2023
- 3 min read
Updated: May 16, 2023
ni Julie Bonifacio @Winner | May 15, 2023

Masayang ipinagdiriwang ni Gerald Santos ang kanyang kaarawan sa Barcelona, Spain ngayong araw (May 15). Gustong sulitin ni Gerald ang pamamalagi niya sa Europe.
Ilang buwan nang nasa bansang Denmark sa Europe si Gerald para sa musical play na Miss Saigon kung saan nag-perform siya bilang si Thuy.
At sa tuwing hindi siya busy ay nagagawa niyang mamasyal sa ibang kalapit na bansa ng Denmark gaya ng Netherlands, Sweden, Czech Republic, Italy and Poland.
Pagkatapos niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa bansang Spain ay lilipad naman si Gerald patungo sa France at USA.
Well-deserved ni Gerald ang birthday celebration niya sa Spain pagkatapos ng sunud-sunod niyang performances sa Miss Saigon sa Copenhagen sa loob ng anim na buwan.
At hindi lang 'yun, nagkaroon pa ng pre-birthday concert si Gerald para sa mga kababayan nating Pinoy na naninirahan sa Copenhagen noong nakaraang Sabado (May 13).
Magkahalong English, Tagalog at Danish songs ang mga lengguwaheng inawit ni Gerald sa ginanap niyang concert.
"Kasi mainly naman, mga Pinoy ang magiging audience ko from here. Tapos maybe, I'm trying to... kasi 'yung mga songs kasi ni Thuy, ano, eh, hindi siya pang-commercial. So, I'm trying to learn a Danish song from Miss Saigon na mas popular. I'm gonna try to do that and sing it in Danish. Kasi 'yung mga manonood din dito, eh, mga Danish citizens na sila, eh. So, they speak and understand Danish as well. It will be great if I can sing a song in Danish," kuwento ni Gerald noong mainterbyu namin siya sa kanyang mediacon via Zoom kamakailan.
Umabot na sa 617th performance si Gerald sa pagganap sa role ni Thuy after ng last show nila noong May 7 sa Det Ny Theater sa Copenhagen, Denmark. Record-breaking na nga ito para sa singer-actor.
Despite having more than 600 performances bilang Thuy ay hindi pa raw niya nararamdaman na nagsasawa na siya sa kanyang ginagawa.
"Kasi, it's in Danish. So, I always have to be on my toes. Walang araw, walang gabi na nag-perform ako na I'm not on my toes, because I cannot be complacent at all. I cannot be relaxed.
Kasi, kapag nag-relax ako, sa experience ko nu'ng nagre-rehearsal kami, 'yung sandali na nag-relax ako, talagang nag-trip ako, nagkamali ako ng line at 'yun na 'yung maling-mali kong magagawa.
"Kasi I cannot adlib in Danish, alam mo 'yun? I don't know anything about the language. So, hindi talaga ako puwedeng magkamali. So, 'yun, that keeps the enthusiasm there. Tapos, grabe 'yung focus, 'yung brain power mo, 'yung presence of mind mo all the time.
"So, when we were rehearsing, kasi itinuro rin nila sa akin 'yung back translation in English, eh. So, I am also thinking of the English text. So, I would know kung ano 'yung sinasabi ko in Danish para hindi naman siya mechanical lang, na alam mo 'yung inaakting ko lang siya.
"So, I studied it in English as well. Kung ano ang ibig sabihin niya in English. And also, 'yung co-actor ko, si Engineer at si Kim, inaral ko rin 'yung lines nila in English. So, I would know how to react doon sa sinasabi nila. So, there's a lot of things to think about, kaya, no, never akong nakaramdam ng burnout dito sa production na 'to," diin pa niya.
Modesty aside, sabi ni Gerald sa amin, maganda naman daw ang naging feedback ng mga taga-Denmark sa pagde-deliver niya ng kanilang lengguwahe.
"Every time there's a Filipino, especially Danish na audience na nakakausap ko, I would always asked them, 'How's my Danish? Is it okay?' And they were always saying that it's crystal clear.
And sometimes they would say that, 'You know, you even speak clearer than the locals here,'" masayang tsika ni Gerald.
Pagpunta ni Gerald sa USA, inamin niya na ang isa sa mga agenda niya roon ay ang mag-audition sa mga musical plays sa New York.
"I'll try my luck there, if there's an opportunity, alam mo 'yun? But, ang aking mga dream shows na gusto kong maging part talaga ay unang-una, Les Miserables. I want to play Marius. I actually auditioned na in the UK, but unfortunately, nag-pandemic. So, medyo naputol 'yun... 'yung communication. But this time, I actually told them ang aking intention to want to play it and maybe I can have a schedule for audition," lahad niya.
Bukod sa Les Miserables, wish niya na makapag-audition din sa Phantom of the Opera, Hamilton, King and I and especially sa Aladdin.
Plano nga raw niyang mag-aral ng tap dance bilang preparasyon sa pag-o-audition niya sa Aladdin.
Pero siyempre, babalik pa rin ng Pilipinas ang Prince of Ballad. Pagbalik niya, may pipiliin na siyang isang original song na gusto niyang tumatak and hopefully, maging big hit.
Well, for sure, excited na rin ang mga fans ni Gerald sa 'Pinas sa kanyang pagbabalik.





Comments