top of page
Search
  • BULGAR

Gerald, gets mo 'yun?... JULIA, IPINAGDASAL NA TANGGAPIN ANG 'BALIKAN' NILA NI JOSHUA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 25, 2021





Kamakailan ay inamin ni Paubaya singer and composer Moira Dela Torre na kaya sina Julia Barretto at Joshua Garcia ang napili nilang gumanap sa kanyang music video na mahigit nang 20M views ay dahil sa pagiging "raw" at natural ng dalawa, bukod pa sa pagkakaibigan nila noon pang 2017, dahil ang singer ang kumanta ng Torete soundtrack ng unang pelikula ng JoshLia na Love You to the Stars and Back.


At higit sa lahat, “I’m their biggest fan,” say ni Moira.


Napapayag naman si Joshua sa music video dahil bukod sa kaibigan niya nga ang mag-asawang Moira at Jason Hernandez na gumawa ng kantang Paubaya ay nagustuhan niya ang script at kung paano ito isu-shoot.


Sa panayam naman kay Julia sa TV Patrol ay naitanong kung ito na ang nagsilbing "closure" nila ni Joshua dahil wala silang inamin sa publiko mula nang maghiwalay sila noong 2019.


Sumagot muna si Josh, “'Di ba, Juls, nag-uusap naman na tayo before?"


Dagdag nito, "Nagkaroon na rin naman kami ng closure before. Pero nasa ibang level kasi kami ng emosyon before, nasa hurting kami parehas nu’n, so ang hirap mag-usap nu’n and this time, parang feeling ko, mas okay na kami sa buhay namin.”


Sumang-ayon naman si Julia, “Klaro na, eh, mas klaro na. After naming mag-shoot ng Paubaya, I can say now that our friendship is in its best season."


"Are you happy sa friendship natin?" tanong ni Julia kay Joshua.


“Oo naman! Happy ako na nagsimula tayo as friends. Happy ako na naging ano (tayo), 'di ba? Kaya ang ending natin, friends pa rin tayo,” nakangiting sabi ni Joshua.


Bukod dito ay hiningi rin ang reaksiyon ng aktres tungkol sa mainit na pagtanggap sa music video nila ng mga netizens na habang pinapanood sila ay emosyonal ang mga ito.


“That something that I really prayed for na sana, maging maganda ang reception ng tao kasi maganda naman ‘yung message ng kanta,” saad ni Julia.


Sabi naman ni Joshua, “Ang dami ko ngang napanood na (nag) react sa mga nanood ng video. Tuwang-tuwa ako sa mga reaksiyon nila. 'Di ba, sinabi ko sa ‘yo (Julia)? Nakakatuwa, masarap sa puso.”


Dagdag pa nito, “Ako, bago pa lang ‘yung shoot, kinompows ko na ‘yung sarili ko na pagdating doon (location), kailangang masaya para makatulong din kasi mga gagawin namin sa scenes, eh. Mukhang ‘Kami ulit, ahhh.'”


Natawa si Julia sabay tanong sa dating kasintahan, “Bakit may pa-'ahh'?”


“Kasi siyempre, ang hirap balikan nu’n, ah. ‘Yun ang pinaka-challenging sa amin, proud nga ako kay Juls, eh, nagawa namin ‘yung ganu’n,” katwiran ng aktor.


Hirit naman ng aktres, proud din siya kay Joshua dahil ang dali at magaan itong kasama kaya nagawa nila nang mabilis ang music video.


Dagdag pa ng binata, “'Di ba, ‘yung iyakan natin, tawa lang tayo nang tawa after?”


At dahil patuloy pa ring tinatangkilik ang Paubaya music video ay bukas ang JoshLia na muling magsama uli sa isang project.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page