Gerald, gets mo ‘yun? AI AI: ANG KARMA, PARANG UTANG, ‘PAG BUMALIK, MAY INTERES
- BULGAR

- Dec 17, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 17, 2024
Ninong pala si Chavit Singson sa kasal nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan at ‘yun ang isa sa mga rason ni Chavit kung bakit si Ai Ai ang kinuha niyang brand ambassador ng binuksan niyang VBank.
“Pero, ngayon hindi na,” wika ni Chavit na ang ibig sabihin, wala na sina Ai Ai at Gerald.
Ninong pa rin naman ang tawag ng aktres-comedienne kay Chavit sa post nito sa launching ng VBank, kahit sabi ng ninong niya, wala na sila ni Gerald.
Sabi ni Ai Ai, “Thank you, MANONG NINONG Chavit. Napakarami n’yang proyekto na para umunlad ang sambayanang Pilipino, lalo na itong VBank. Nagpapautang ng walang interest, lalo na kung gusto mong magnegosyo ng mga e-jeep, e-motor etc.. at puwede ka pang manalo ng P5,800 araw-araw, mag-download lang ng VBANK app. Ano pa’ng hinihintay n’yo, game na ‘to.”
Samantala, nakausap si Ai Ai ng press people na present sa event, pero minabuti nitong hindi magsalita tungkol sa kanila ni Gerald.
Sabagay, wala na naman siyang dapat pang sabihin at wala pa yatang update kung nag-file na ba ng divorce si Gerald o si Ai Ai ba ang dapat mag-file ng annulment. Wala nang balita ang press tungkol dito.
Ang balita lang kay Ai Ai ay ang post nito tungkol sa karma na ang sabi, “Karma Says: When you destroy someone’s life with lies, fake hopes and promises. Take it as a loan, it will come back to you with interest.”
May comment si Ai Ai na, “HALA!”
Businessman, naka-jackpot daw…
SUNSHINE, BINA-BASH SA NABULGAR NA RELASYON KAY ATONG
Tanong ng mga fans ni Sunshine Cruz, bakit ang aktres lang ang bina-bash ng mga netizens sa isyu sa kanila ni Atong Ang? Bakit daw si Atong, hindi naba-bash?
Paano naman maba-bash si Atong, eh, naka-private ang Instagram (IG) nito at ang Facebook (FB) account niya, hindi naman updated.
Ang last post niya ay noong 2021 pa at nagsasabong na manok ang naka-post. ‘Yun ay kung sa kanya nga ang FB account.
Si Sunshine ay active ang IG at open ang comment box, kaya libre siyang i-bash. In fairness to her, hindi pa siya nagde-delete ng mga comments kahit ang iba ay super-nega ang mga sinasabi.
May positive rin namang mga comments, gaya ng bagay sila ni Atong. May nag-comment pang naiinggit lang kay Sunshine ang namba-bash sa kanya dahil siya ang nagustuhan ni Atong.
Sa nag-comment na masuwerte si Sunshine kay Atong, sagot ng mga fans ni Sunshine, masuwerte rin si Atong sa aktres. Maganda na, sexy pa si Sunshine, hindi nagbago ang hitsura at hindi tumatanda.
Sa ganitong usapan, walang gustong magpatalo sa maka-Sunshine at maka-Atong.
Pero, totoo bang noong 2014 pa nanligaw si Atong kay Sunshine?
Habang wala pang inaamin ang dalawa sa kanilang relasyon, ibig sabihin, nanliligaw pa rin si Atong sa aktres.
Sey mo, Coco?
JULIA, THE NEW ACTION QUEEN
Sina Arjo Atayde, Julia Montes, Sid Lucero, Anne Feo sa cast ng Topakk ang dumalo sa Konsiyerto sa Palasyo Para sa Pelikulang Pilipino na ginawa sa Malacañang Palace last Sunday. Kasama rin nila ang Nathan Studios producer na si Sylvia Sanchez.
Ang sipag nina Arjo at Julia dahil galing sila ng Cebu for the promo of the said movie na showing simula December 25, at kasama sa entry sa 2024 MMFF. Kasama naman nila sa Cebu sina Enchong Dee, Levy Ignacio, Kokoy de Santos, iba pang cast ng action-packed movie at si Sylvia pa rin.
Pati sa radio, masipag mag-promote si Julia, nag-guest din siya sa TV Patrol (TP).
Ang introduction kay Julia ngayon sa kanyang mga guesting ay “The New Action Queen.”
Curious ang mga netizens kung ano ang reaction ni Coco Martin sa title ni Julia Montes at kung hindi raw ba siya kinakabahan?










Comments