top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gentapa at Omipon ng Lady Blazers at Altas, malalakas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | February 26, 2023




Nagpakalawala ng malulupit na hambalos si Jade Gentapa upang pagbidahan ang atake ng De La Salle-College of Saint Benilde Lady Blazers para sunugin ang San Beda University Lady Spikers sa bisa ng 25-14, 25-15, 25-14, habang sumosyo rin sa liderato ang sa University of Perpetual Help System Dalta Lady Altas ng sibakin sa four-setter panalo ang dating three-peat champ na Arellano Lady Chiefs sa 22-25, 25-22, 25-14, 25-19, kahapon sa 98th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.

Wala man si head coach Jerry Yee sa laro, hindi naging mahirap para sa defending champions na magpakawala ng kabuuang 48-of-113 spikes at mas magandang floor defense sa 31-of-93 kumpara sa 16-of-120 sa San Beda.

Nanguna si Gentapa sa kabuuang 15 puntos mula lahat sa atake na sinamahan ng 10 digs at pitong receptions, habang sumegunda si last season Finals MVP Jhasmin Gayle Pascual sa 14 puntos mula sa 12 atake at dalawang blocks. Nag-ambag rin si Cristy Ondangan ng siyam puntos at ace playmaker Cloanne Mondonedo ng pitong puntos at 13 excellent sets.

Wala namang nagtapos ng doble pigura para sa Mendiola-based lady squads na tanging apat na manlalaro lang ang pumuntos na pinangunahan ni Trisha Mae Paras sa walong puntos, Chynna Castillo sa pito, Katleya Molina sa anim puntos, at Marianne Tayag sa 3 puntos.

Matapos makuha ang magkasunod na unang dalawang sets, maagang bumanat ng 8-1 atake ang Taft-based volleybelles at paangatin ito sa 10 sa 23-13 bago tuluyang tuldukan ang laro para sa ikatlong sunod na panalo at manatiling undefeated hawak ang liderato sa 3-0 kartada, habang nanatiling walang panalo ang San Beda sa 0-3.

Nagpakawala si Shaila Omipon ng game-high 24 puntos mula sa 21 atake, dalawang aces at isang block upang tulungan ang Lady Altas na manatiling walang talo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page