Generals nagkampeon sa NBL-Pilipinas President's Cup
- BULGAR
- Oct 1, 2023
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | October 01, 2023

Kinoronahan ang Taguig Generals bilang kampeon ng 2023 National Basketball League (NBL-Pilipinas) President’s Cup matapos takasan ang bisitang KBA Luid Kapampangan, 88-87, Biyernes ng gabi sa siksikang Jun Duenas Gym sa Signal Village. Winalis ng Generals ang seryeng best-of-five, 3-0.
rumatrat ng 14 sunod-sunod na puntos at magbanta, 72-83, at apat na minuto sa orasan. Hindi pa tapos ang KBA Luid at humabol hanggang maging isa na lang ang pagitan matapos ang tres ni Cyruz Antiza, 87-88, at anim na segundong nalalabi.
May pagkakataon ang Generals pero minintis ni Lerry John Mayo ang dalawang free throw. Napunta kay Lhancer Khan ang rebound at tumira siya ng three-points na hindi pumasok.
Biglang tinapik papasok ni Calvin Suing ang bola sabay tunog ng busina at nagdiwang ang mga Kapampangan. Naging saglit lang ang kasiyahan at binawi ng mga reperi ang buslo na hudyat ng selebrasyon ng Generals. Nanguna sa Taguig si Mark Edison Ordonez na ipinasok ang 10 ng kanyang 19 puntos sa huling quarter. Sumuporta si Edzel Galoy na may 12 at sina Jonathan Lontoc at Mike Jefferson Sampurna na parehong may 11 puntos.
Namuno sa Kapampangan si Khan na may 21 at Marc Jhasper Manalang na may 15.
Nagtala ng tig-12 sina Antiza at Suing. Si Sampurna ang pinarangalan ng MVP ng Finals matapos magtala ng 48 puntos sa tatlong laro. Tatlo na kampeonato ng Generals kasama ang 2019 Season Two at 2022 Chairman’s Cup, lahat sa gabay ni Coach Bing Victoria.
Bago ang laro, iginawad kay Khan ang MVP ng torneo. Sinamahan siya sa Mythical Five nina Sampurna at Mayo ng Taguig, Raymart Amil ng Tatak GEL Binan at Verman Magpantay ng Cam Sur Express.








Comments