top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Eala 'susugal' sa paglalaro sa Asiad, may peligro sa WTA rankings

Writer: BULGAR
BULGAR
18 hours ago
2 min read

by Gerard Arce @Sports News | September 12, 2026



Umulan at bumaha man sa Nagoya, Gilas Men sasabak na vs. Bahrain sa Asiad

Photo: Si Alex Eala sa isang bahagi ng kanyang pagrampa sa New York Fashion Week. (Edano Hazelnut)



'Risk It All' para sa bayan sa Asian Games! Sugal na kung maituturing kay Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala na maibigay ang lahat ng talento at galing para sa inaasam na gintong medalya ng Pilipinas kahit may peligro na hindi mapagkalooban ng ‘exemptions’ ng Women’s Tennis Association (WTA) sa pagsabak sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games ng 21-anyos na lefty.


Hinihintay pa ng Philippine Tennis Association (PHILTA) ang desisyon ng WTA bunsod ng kahilingan na huwag patawan ng mabigat na ‘zero-pointer’ sa rankings sa hindi paglahok sa isang mandatoryong elite event ng walang aprubadong medical exemption. “No word from WTA, but Alex will definitely play at the Asiad,” pahayag at paniniguro ni PHILTA Executive Director Tonette Mendoza sa mensahe sa Bulgar Sports.


Napag-alamang unang tinanggihan ng WTA ang hiwalay na kahilingan ng kapwa Southeast Asian player na si World No. 36 Janice Tjen ng Indonesia na makapaglaro at katawanin ang bansa sa 2026 Asiad na gaganapin simula sa Set. 27-Okt 3 sa Higashiyama Park Tennis Center sa Nagoya, Japan.


“She made the decision herself. We just asked if she was willing to play [and] we did not try to convince her,” paglalahad ni Mendoza, na nakahanda umanong harapin ng World No. 18 at two-time WTA 125 at WTA 500 Mubadala Open titlist ang lahat ng anumang epekto o balik sa kanyang karera sa pagsisilbi sa bayan.


Mayroong sapilitang tuntunin ang WTA na obligadong lumahok ang mga nangungunang manlalaro sa lahat ng apat na Grand Slam, 10 mandatory WTA 1000 tournament, at hindi bababa sa anim na WTA 500 event sa bawat season.


Nagawa ng lumahok ng 33rd SEA Games titlist sa Miami Open, National Bank Open, Dubai Open at Cincinnati Open, gayundin ang WTA 500 na Mubadala, Bad Homburg Open, Berlin Open, HSBC/Monterrey Open, at darating na Singapore Open, habang kinumpleto nito ang apat na Grand Slam tourney na Australian Open, French Open, Wimbledon Open at US Open Championship.


Maaari pang bumawi sa Eala sa mga gaganaping torneo sa ilalim ng WTA para sa Asian wing, kung saan kabilang ang nakatakdang laruan na WTA 500 Singapore Open (Sept. 21-27); Korea Open – WTA 500 at 250 (Sept. 21-27); WTA 1000 China Open (Sept. 30-Oct.11); WTA 1000 Wuhan Open (Oct. 12-18); WTA 250 Kinoshita Group Japan Open (Oct. 19-25); WTA 500 Toray Pan Pacific Open (later Octorber); at WTA 250 Prudential Hong Kong Tennis Open (Nov. 2 -8).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page