top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Generals, Express, Luid at GEL abangan sa NBL semis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 20, 2023



Mga laro ngayong Linggo – Colegio de Sebastian Gym

5 p.m. Taguig vs. Binan

7 p.m. Muntinlupa vs. Kapampangan


Kumpleto na ang apat na koponan sa 2023 National Basketball League (NBL-Pilipinas) President’s Cup semifinals. Maghaharap sa hiwalay na seryeng best-of-three ang Taguig Generals laban sa Cam Sur Express at KBA Luid Kapampangan kontra Tatak GEL Binan.


Kahit tanggal na sa karera ng semis, sinigurado ng Muntinlupa na may kasama sila at tinalo ang nag-aasam na Santa Rosa Lions, 102-98. Dahil dito, nabigyan ng libreng tiket sa semis ang naghihintay na Kapampangan.


Ipinasok ni Francis Abarcar ang nagpalamang na three-points na may 14 segundo sa orasan, 99-96. Sinagot ito ng buslo ni Shawn Algire pero nabawi agad ni John Mark Ondevilla ang puntos sa dalawang free throw, 101-98.


May pagkakataon ang Lions subalit naagaw ni Crispin Barnedo ang bola sabay kuha ng foul. Isang free throw lang ang kanyang ipinasok ngunit sapat na iyon para umakyat ang Muntinlupa sa 2-7 sabay paalam ng Lions na nagtapos sa ilalim ng Grupo A sa kartadang 3-6.


Kahit pasok na sila, nagtrabaho pa rin ang Kapampangan at itinapal sa Taguig ang kanilang unang talo sa sariling tahanan, 99-90. Ang tagumpay ay nagluklok sa Luid bilang numero uno sa Grupo A at iniwasan ang numero uno ng Grupo B Taguig sa semis.

Hindi muna ginamit ang hari ng puntusan ng NBL Lhancer Khan subalit nagtayo ang kanyang mga kakampi ng 18-3 bentahe na lumaki sa 33-20 matapos ang unang quarter.


Ang huling iskor ay siya ring pinakamalaking agwat sa buong laro.


Tatapusin ang elimination round ngayong araw sa Colegio de Sebastian Gym sa San Fernando City tampok ang Kapampangan laban sa bisita Muntinlupa sa 7 p.m. Bubuksan ang aksiyon ng Generals at Tatak GEL sa 5 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page