top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Generals at Barons, hahati sa liderato ng Paower sa NBL

BULGAR
Oct 2, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 2, 2021



Susubukang makibahagi sa liderato ang mga walang talong Taguig Generals at Quezon Barons ngayong araw sa pagpapatuloy ng Chooks To Go National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2021 sa Bren Z. Guiao Convention Center ng San Fernando City, Pampanga. Parehong taglay ang malinis na 2-0 kartada, ang magwawagi sa kanilang laro sa 6:00 p.m. ay papantay sa nagpapahingang La Union PAOwer sa 3-0.

Naitala ng Generals ang dalawang magkasunod na panalo noong nakaraang linggo kontra sa STAN Spartan, 70-55, at Laguna Pistons, 79-75, sa likod ng mahusay na laro nina Francisco Tancioco, Mike Jefferson Sampurna at Richmond Gilbero. Huling naglaro ang Barons noong Set. 18 sa panalo sa Pistons, 89-85, at aasa muli kay Christopher Lagrama, Arjay Paul Dongog, Alex Ramos at Domenick Vera.

Sa unang laro ng 1:15 p.m., pagbawi mula sa mapait na talo ang nasa isip ng maghaharap na DF Bulacan Republicans at Paranaque Aces. Noong nakaraang Linggo, nalasap ng Republicans ang unang talo sa kamay ng Muntinlupa Water Warriors, 85-103, habang sinimulan ng Aces ang kampanya sa pagyuko sa La Union, 78-93.

Kilala sa kanilang matinding opensa, sasandal ang Bulacan kay Dominick Fajardo, Earnest Reyes at Joseph Celso. Sa panig ng Aces, tanging sina Jielo Razon, Paulo Castro at JR Galit ang naghatid ng puntos kaya kailangan umangat ang laro ng mga kakampi.

Pagbangon muli ang layunin din ng Pampanga Delta sa pagbisita ng walang panalong STAN District 4 Spartan sa 4 p.m.. Natalo ng 2 puntos ang Delta sa Republicans, 91-93, habang patuloy ang paghanap ng tagumpay ng Spartan na nasa pinakailalim ng liga sa 0-4.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page