top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Gen. Sinas, pensiyunado na, magkaka-monthly suweldo pa!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 10, 2021



TAGAHANGA NI ROBIN AT SUPPORTERS NI P-DUTERTE, DISMAYADO—Karamihan sa mga tagahanga nina Robin Padilla at P-Duterte ay nadismaya sa kanilang laban-bawi na hamon.


Noong April 26, 2021 ay hinamon ni Robin ang matatapang na Pilipino na samahan siya sa West Philippine Sea (WPS) para harapin ang China, pero nang kumasa sa hamon si Col. Mike Logico ng Philippine Army (PA) ay nag-sorry ang aktor at iniatras na ang kanyang hamon, at nitong May 6, 2021 ay hinamon naman ng debate ni P-Duterte si ret. Justice Antonio Carpio sa isyung West PH Sea, pero nang kumasa ang mahistrado ang hamon, umatras ang pangulo at si Presidential spokesman Harry Roque ang inutusan niyang makipag-debate kay Carpio, boom!


◘◘◘


SUWERTE NI RET. GEN. SINAS KASI PENSIYUNADO NA, MAGKAKA-MONTHLY SUWELDO PA—Kinumpirma ni Sec. Eduardo Ano ng DILG na bibigyan daw ni P-Duterte ng posisyon sa gobyerno si ret. PNP Chief Gen. Debold Sinas.


Napakasuwerte talaga ng mga alagad ni P-Duterte kasi mantakin n’yo, may monthly pension na si Sinas bilang retiradong police general, magkaka-monthly suweldo pa bilang civilian gov’t. official, boom!


◘◘◘


HALOS LAHAT NG BARANGAY SA CAVITE MAY ALA-JUETENG NA ‘PERYA NG BAYAN’ AT MAY KASO NG COVID-19—Halos lahat ng barangay sa mga munisipalidad at lungsod sa Cavite ay may nag-o-operate na ala-jueteng na “Perya ng Bayan” nina “Mr. Yap”, “Manalac” at “Jun Moriones”.


Sa uri ng sugal na ito ay nalalabag ang social distancing kasi nagkakaroon ng close contact ang mga kubrador sa mananaya at maaaring isa ‘yan sa mga dahiilan kung kaya’t halos sa lahat ng barangay sa lalawigan ni Gov. Jonvic Remulla ay may mga kaso ng COVID-19, buwisit!


◘◘◘


MANRARAKET SA BAGUIO CITY, DAPAT IPAHULI NA NI COL. ALLEN RAE CO KASI BAKA MALINTIKAN SIYA KAY GEN. ELEAZAR—Ngayong PNP chief na si Gen. Guillermo Eleazar, dapat ipahuli na ni Baguio City chief of police Col. Allen Rae Co ang raket na mini-casino ni “Patrick” sa Legarda-Dampa at drop balls/color games nina “Nestor” at “Biagtan” sa Kayang; “Andy” at “Uldak” sa Otek, pawang sa lungsod na ito.


Kapag nalaman kasi ni Gen. Eleazar na sa gitna ng pandemyang COVID-19 ay maraming nanraraket sa Baguio City, baka sibak sa puwesto ang abutin ni Col. Co, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page