Gen. Sinas, kung ‘di magre-resign, aba’y sibakin na lang!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 8, 2021
IBINIDA NI GEN. SINAS NA SOLVE NA ANG “DACERA RAPE-SLAY”, SABLAY!—Sablay ang ibinida ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa publiko na solve na ang umano’y Dacera rape-slay.
Matapos lumabas sa autopsy report ng medico-legal sa bangkay ni Christine, walang rape na naganap at hindi rin ito pinatay, dahil aneurysm diumano ang ikinamatay nito ay agad ni-reject ng piskal ang kasong rape with homicide na isinampa ng mga tao ni Gen. Sinas sa mga “suspek”.
Dahil d’yan, nakatikim na naman ng pambabatikos si Gen. Sinas sa publiko kasi ang ibinibida niya, eh, palpak pala, boom!
◘◘◘
PARANG SINABIHAN NG PISKAL ANG PNP NA MATUTONG MAG-IMBESTIGA—Nakasaad sa resolusyon ng piskal ay “release for further investigation” na nag-uutos sa PNP na palayain ang “tatlong bakla” na naunang inaresto at ikinulong ng mga parak dahil ayon sa prosecutor’s office, wala namang ebidensiya na ginahasa at pinatay ng mga ito ang dalaga.
Release to further investigation? Eh, parang sinabihan ng piskal ang PNP na matuto silang mag-imbestiga at kumalap ng ebidensiya bago magsampa ng kaso sa prosecutor’s office, period!
◘◘◘
SA LAHAT NG HENERAL, SI GEN. SINAS ANG MADALAS MA-BASH—Sa lahat ng heneral ng PNP, si Gen. Sinas ang madalas ma-bash ng publiko.
Noong NCRPO (National Capital Regional Police Office) director pa si Gen. Sinas, bash ang inabot niya sa publiko nang magdaos siya ng birthday party sa panahong mahigpit na ipinagbabawal ang mass gathering, at ngayon PNP chief na siya, na-bash na naman siya sa palpak na pabida niya na solve na raw ang ‘Dacera rape-slay’, ‘yun pala ay wala diumanong namang naganap na rape-slay.
Kaya’t kung may delicadeza pa si Gen. Sinas, dapat mag-resign na siya sa puwesto, boom!
◘◘◘
KUNG HINDI MAGRE-RESIGN, DAPAT SIBAKIN NA NI P-DUTERTE SI GEN. SINAS—Kung hindi magre-resign sa puwesto, ang dapat sibakin na ni P-Duterte sa puwesto si Gen. Sinas, ang PNP chief na madalas sumablay, madalas pumalpak!
Kung magtatagal pa ito sa puwesto, baka marami pa itong gawing kapalpakan sa tungkulin na maglalagay sa malaking kahihiyan sa PNP, dahil kapag nabatikos si Gen. Sinas, dahil siya ang PNP chief ay damay d’yan ang buong kapulisan, period!





Comments