Gelli, sumawsaw sa isyu nila ni Patrick, sinopla… JANICE KAY DENNIS: PATI BABAE, PINAPATULAN MO!

ni Nitz Miralles @Bida | October 7, 2026

Photo: Dennis Trillo, Janice at Gelli de Belen - IG
Magkakasamang nanood ng premiere night ng Mantsa sina Janice de Belen, Gelli de Belen at Candy Pangilinan.
Sa napanood naming video reel, hindi na nagsalita uli si Gelli nang tanungin tungkol sa Patrick Garcia-Dennis Trillo issue. Mas maganda na hindi na nagsalita si Gelli, iwas-reaction sa mga netizens na inaabangan ang kanyang sasabihin.
Bago ang premiere night, nag-post si Janice sa Threads tungkol sa issue nina Gelli at Dennis.
“TO MR @dennistrillo SIGURO MASAYA KA NA!!! LAHAT NA DAMAY NA PAMILYA DE BELEN PATI BABAE PINAPATULAN MO. Wala naman sinabi masama sayo si Gelli ni kahit pag mention ng name mo hindi ka binanggit GANITO NA PALA ANG DEFINITION NG MATINONG TAO ang pumatol sa babae na walang ginawang masama sau. Sorry to say that TRILLO.”
Kani-kanyang comment ang mga netizens at tama ang nag-comment na sa halip na mag-die down, lumalaki pa ang isyu at marami ang nadadamay.
Sa comment, may kampi kay Gelli at may kampi rin kay Dennis. Hintayin natin kung kailan at paano ito matatapos.





Comments