top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

GCQ with heightened alert ang Metro Manila, ibinalik dahil sa Delta variant

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 24, 2021



Ibinalik na ang GCQ with heightened alert ang Metro Manila dahil sa Delta variant.


Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


UMAATAKE na ang mas mapanganib na virus.


Tatabo na naman ang mga lintek na ospital!


◘◘◘


DAPAT masusing imbestigahan ng mga awtoridad ang mga pribadong ospital na mistulang buwitre sa paniningil.


Maglagay ng listahan ng matitinong ospital at mga kaduda-dudang ospital!


◘◘◘


BIGO ang media na magsagawa ng lihim na pagsasaliksik hinggil sa kuwestiyunableng ospital.


Ito ay makatutulong bilang gabay sa mga nagkakasakit!


◘◘◘


DAPAT may sariling datos ang media at hindi nakatanghod sa impormasyon na isinusupalpal ng DOH at gobyerno.


Tamad ang media network na naghihintay ng datos sa mga awtoridad imbes na gumawa ng sarili nilang iskema sa pagkuha ng impormasyon!


◘◘◘


NALILIPASAN ng panahon ang media sapagkat maraming bossing dito ay kapos sa pang-unawa kung ano’ng klase ng industriya o sektor ang kanilang pinasok.


Karaniwang ay negosyo, imbes na propesyunalismo!


◘◘◘


BAGUMBAGO na ang lipunan, bagumbago na ang teknolohiya, pero ang istruktura at iskema ay kinopya lang sa sinaunang panahon sa Europe.


Ang kahinaan ng tao na magkaroon ng inobasyon at imbensiyon ang nagpadiskaril sa pag-unlad ng ating henerasyon!


◘◘◘


ANG edukasyon ay nananatiling kinopya sa panahon nina Columbus at Magellan gayun ang tao ay malapit nang makatuklas ng tubig sa Mars.


Sa loob isang dekada, makararating na ang turismo sa moon at makatatapak ang tao sa Mars, pero ang sistemang edukasyon ay nasa loob pa rin ng apat na sulok ng silid!


◘◘◘


KAILANGAN nating iluklok sa gobyerno ang mga batambatang lider imbes na uugud-ugod o namumuti na ang buhok.


Wala tayong mapapala sa matatanda, bigyan-daan natin ang mga batambatang lider na humawak ng poder sa pamahalaan!


◘◘◘


SA alinmang digmaan, hindi ang matatanda ang nagiging bayani, bagkus ay ang mga batambatang sundalo at heneral.


Hayaan natin ang Pilipinas, ang magpasimuno sa ganitong klase ng iskema sa public administration!


◘◘◘


PAAGAHIN natin ang edad ng pagreretiro, ibawal ang pagpasok ng military sa gobyerno at pabatain natin ang edad sa kuwalipikasyon sa pagiging pangulo, pangalawang pangulo, senador at kongresista.


‘Yan ang dapat iporma sa bagumbago ring Konstitusyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page