top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

GCQ na ulit ang Metro Manila, naks!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 15, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 15, 2021



Balik-GCQ na.


Yipeee!


◘◘◘


KAPAG bumalik ba sa GCQ ay mabubuhay din agad ang namatay nang negosyo?


Ang sagot ay malakas na: Hindi!


◘◘◘


WALA ring mangangahas na maglamyerda.


Lugi pa rin ang mga taxi at jeepney driver!


◘◘◘


SARADO pa rin ang maraming negosyo at wala pa ring trabaho si ‘Buknoy’.


Walang customer at kliyente sa paligid!


◘◘◘


BAWAL pa rin ang anumang klase ng piyesta.


Huh, nami-miss ko na ang aktuwal na community pantry ng mga Katoliko — libreng tsibog sa lahat ng bahay!


◘◘◘


NAGPAPALITAN ng bomba ang Palestines at Israelites.


Huwag sana itong maranasan ng mga Pinoy at Tsekwa!


◘◘◘


ESTUPIDO raw ang 16 milyong bumoto kay P-Digong.


Ano naman kaya ang tawag ninyo sa mga bumoto sa kanyang mga talunang kalaban?


◘◘◘


KAPAG nagsama-sama ang mga estupido, matatabunan sa boto ang mga matatalino at mayayaman.


He-he-he!


◘◘◘


MAGHAHALALAN na naman.


Maaaring magkoalisyon uli ang mga estupido, bobo at tarantado.


Baka maka-landslide ulit sila, hige kayo!


◘◘◘


SA totoo lang, mahirap kalaban ang mga engot kaysa sa matatalino na de-libro.


Madaling mai-predict ang desisyon ng mga matatalino, kasi’y bookish ‘yan.


Pero, ereng mga engot, paano mo huhulaan ang desisyon?


Eh, engot nga!


◘◘◘


SA aminin o hindi, mas marami talaga ang engot sa pagboto.


‘Yan ang dahilan kung bakit mahirap hulaan kung sino ang magwawagi sa 2022!


◘◘◘


KAHIT sa Senado at Kamara, hindi ba ninyo napapansin — sobrang dami ng engot?


‘Yan ay kumpirmasyon na mayorya ng mga botante ay talagang engot!


◘◘◘


SA prinsipyo ng demokratikong gobyerno, ang mayorya ang magdedesisyon.


At ‘yan ay malinaw na constitutional!


◘◘◘


ITINATADHANA ng Saligang Batas na maihalal ang sinumang iboto ng mayorya — tanga o engot man ang mga ‘yan.


Ereng matatalino ay kakarampot lang.


Siya ang minoryang sobra ang ingay!


◘◘◘


WALANG sinasabi sa Konstitusyon, na bawal maupo sa gobyerno ang mga engot.


Wala!


◘◘◘


BATAY sa Saligang Batas, basta’t marunong bumasa’t sumulat at isang lehitimong botante ay puwedeng kumandidato at maihalal.


Ang demokratikong gobyerno ay representative government, ang mga elected official ay representasyon ng nakakarami—engot man sila o hindi!


◘◘◘


KUNG nais ninyong mabago ang gobyerno, ang unang dapat baguhin ay hindi ang opisyales na nauupo.


Ang unang dapat baguhin ay ang kaisipan, diwa, kultura at moral ng mga botante!


◘◘◘


PAANO babaguhin ang kaisipan at diwa ng mga botante?

Diyan na pumapasok ang “ideolohiya”!


◘◘◘


KAPAG walang malinaw na ideolohiya ang mamamayan, ang mailuklok ay bastos at engot sa pamahalaan.


Ang resulta ng eleksiyon ay siyang repleksiyon kung anong klase ng mga botante mayroon ang bansa—wala nang iba pa!


◘◘◘


KUNG bastos ang nailuklok na opisyal, ibig sabihin ay bastos rin ang mayorya ng mga botante.


Kapag matalino at mahusay ang naupo sa Malacañang, ibig sabihin—matatalino at magagagaling ang mga Pinoy!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page