top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Gaya-gaya kay Mariel… SHARON, MAGBEBENTA NA RIN NG BRANDED BAGS AT IBA PANG GAMIT

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 24, 2022




Mukhang napanood ni Megastar Sharon Cuneta ang live online selling ni Mariel Rodriguez kung saan nag-unload siya ng kanyang mga personal things tulad ng mga pre-loved branded bags.


Big success ang online selling ni Mariel at naibenta ang kanyang mga pre-loved branded bags atbp. gamit.


Sabi nga ni Robin Padilla, medyo lumuwag na ang mga closets ni Mariel dahil nagbawas na ito sa kanyang bag collection.


At mukhang naengganyo nga si Megastar Sharon Cuneta dahil nagpaplano rin siyang mag-online selling ng kanyang mga pre-loved bags atbp. gamit.


Ngayon pa lamang ay inaabangan na ng mga Sharonians ang gagawing online selling ni Shawie. Aba, puro mamahalin at branded ang bag collection ni Mega.


May ilang netizens naman ang nag-suggest na sana, sa celebrity bazaar na lang ibenta ni Sharon Cuneta ang kanyang mga gamit at damit na ia-unload. Ganu'n naman dati ang kanyang ginagawa kaya napupuntahan ng kanyang mga tagahanga at supporters.


Mahirap daw mamili sa online. Mas gusto pa rin ng marami ang mamili sa tiangge at celebrity bazaars, tutal ay maluwag na rin ngayon sa pinaiiral na health protocols.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page