top of page
Search
  • BULGAR

Gay TV host, tuwang-tuwa sa regalo ng BF… SIGAW NG NETIZENS: IPINAMBILI NG PAMASKO NI ION, PERA RIN

Julie Bonifacio - @Winner | January 15, 2021




Nauna palang ibinigay ni Ion Perez ang kanyang gift para sa dyowang si Vice Ganda noong Pasko.


Bago pa man ibinigay ni Vice ang regalo niya kay Ion na isang branded YSL gym bag noong Noche Buena, sinorpresa na siya ng dating "Mr. Escort" ng It's Showtime.


Naka-upload ang video nu'ng ibinigay ni Ion ang Christmas gift niya kay Vice sa kanilang YouTube channel.


Dalawang pairs na branded din namang rubber shoes ang ibinigay ni Ion kay Vice.


Gandang-ganda si Vice sa mga rubber shoes na si Ion pa mismo ang nagsukat at nagsuot sa host-comedian.


"Ang gandaaah! Thank you, Babe," pahayag ni Vice.


In-acknowledge naman ni Ion ang pa-thank you sa kanya ni Vice.


"Yehey! May bago akong shoes," proud na sabi ni Vice.


Kakaibang feeling ang naramdaman ni Vice dahil bukod sa regalo sa kanya ang rubber shoes ng special someone niya, ngayon lang daw niya naranasan na mabigyan nito.


Kalat kasi at naging common joke pa ng mga kaibigan ni Vice kung gaano siya ka-generous magbigay ng rubber shoes sa mga natitipuhan niyang guys.


"Ngayon ko lang 'to na-experience , ah. Ngayon ko lang na-experience na binigyan ng rubber shoes ng lalaki. Hahaha!"


Emote pa ng It's Showtime host, "Ang sarap pala 'no (na) bigyan ka ng rubber shoes? Kilig much. Thank you. Love you."


Pero ang mga netizens, may hanash pa rin sa regalong rubber shoes ni Ion kay Vice.


"Sus... pera rin 'yan ni Vice. May allowance 'yang bf niya, natural. Mas malaki kita ni Vice kesa d'yan sa bf niya."


"Pera naman yata ni Meme 'yung ipinambili. Alam na."


May mga nagtanggol kay Ion na may pera naman siya pambili ng mga sapatos. Una, may suweldo siya sa It's Showtime. Pangalawa, kumikita rin daw si Ion sa kanyang YouTube channel.


"Mabait at sweet si Ion, magkukusa siyang bumili ng gamit ni Meme. At isa pa, may work siya sa Showtime at kumikita rin siya sa YouTube channel niya. 'Di na niya kailangan ang pera ni Meme. 'Yung mga nega d'yan, 'di umaasa si Ion sa pera ni Meme. Pinagtatrabahuhan niya 'yan. 'Di katulad ninyo, mga bashers d'yan, walang magawa kundi manira sa kapwa tao n'yo. Inggit lang kayo."


"Happy to see that Ion really loves Vice genuinely. Dati si Vice nagbibigay. This time, she got it all."


Bongga!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page