top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Gay friends ni Christine, baka makulong pa, nakupo!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 12, 2021



PANININDIGAN NI GEN. SINAS SA ISYUNG “RAPE-SLAY” KAY CHRISTINE, DAPAT NA NIYANG LUBAYAN—Ang iniisyu ngayon, hindi raw dapat inimbalsamo si Christine bago inawtopsiya, pero sa post sa social media ni dating NBI Deputy Director Ric Diaz, hindi raw isyu ‘yan kasi puwede pa rin iawtopsiya ang bangkay kahit inimbalsamo na ito, at patunay d’yan na hinuhukay pa mga bangkay para i-awtopsiya.


Kaya’t dapat, lubayan na ni Gen. Sinas ang paninindigan niyang ni-“rape-slay” si Christine, at kung meron mang dapat panindigan ang PNP chief ay ‘yung kanyang “war on illegal gambling” kasi sa ngayon ay parang kabuteng ang bookies ng karera at lotteng nina “Jr.” at “Edmon” sa Caloocan City at lotteng nina “Mario” at “Atan” sa Malabon City, “Jun” at “Santa” sa Valenzuela City at “Leody” sa Navotas; jueteng sa Laguna, Batangas, Isabela at Cagayan, period!


◘◘◘


DELIKADO ANG MGA BADING NA FRIENDS NI CHRISTINE, BAKA MAKALABOSO—Nang mabalitang na-rape-slay si Christine Dacera, natural na magagalit ang publiko sa mga “rapist-killer” pero nang lumantad ang mga suspek at nalamang bading pala ang mga ito, at sa medico-legal ay lumabas pang hindi naman pala biktima ng panggagahasa at pagpatay ang dalaga kundi aneurysm ang ikinamatay nito, natigil na ang pamba-bash ng netizens sa mga inaakusahan.


Ang masaklap, ang pinuno ng Pambansang Pulisya na si Gen. Debold Sinas ay talagang pinaninindigan ang unang niyang sinabing ginahasa at pinatay ang dalaga, at dahil d’yan, nagdedelikado talagang makalaboso ang mga bading na friends ni Christine, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


KUNG IBA ANG PNP CHIEF, TAPOS NA ANG ISYU SA PAGKAMATAY NI CHRISTINE DACERA—Kung nagkataon na iba ang PNP chief, tapos na sana isyu at napaniwala na sana ina ni Christine na walang “rape-slay”, kundi aneurysm kinamatay ng kanyang anak.


Ang problema talaga sa isyung ito ay si Sinas, ngak-ngak nang ngak-ngak, na pinaniniwala ang ina ni Christine na biktima ng “rape-slay” kanyang anak, boom!


◘◘◘


KUMIKITA ANG MGA “TONGPATS” COLLECTOR GAMIT PANGALAN NINA GEN. SINAS AT GEN. DANAO—May impormasyon na police colonel daw ang “Madam Reyna” na nagpapakolekta ng “tongpats” para kina Gen. Sinas at NCRPO (National Capital Regional Police Office) at si “Cesar Pilosopo” naman daw ang nagpapa-open ng illegal gambling sa Metro Manila kapalit ng weekly payola.


Kung walang kinalaman sina Gen. Sinas at Gen. Danao sa raket nina “Madam Reyna” at “Cesar Pilosopo”, dapat ipa-“tokhang” na nila ang mga ito kasi kung wala silang gagawing aksiyon, patuloy na pagkakaperahan ng dalawang tongpats collector na ito ang kanilang pangalan, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page