Gay comedian, huli sa rambulan sa bar, ikinulong… KAMPO NI AWRA, NANGHIHINGI NG HUSTISYA
- BULGAR
- Jul 1, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 1, 2023

Isa sa mga kaibigan ni Awra Briguela ang nagbahagi ng tunay na nangyari kaugnay ng viral video sa social media kung saan nasangkot sa isang gulo sa Bolthole Bar sa Poblacion, Makati City ang batang komedyante.
Makikita sa Instagram Stories na ishinare ng user na may pangalang @simpforzayla na kasama nila si Awra nang pumunta sila sa isang bar sa Poblacion, Makati City.
Aniya, may isang lalaki na nambastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan, kaya kinausap umano ito ni Awra ngunit nagkainitan ang dalawa.
Dagdag pa nito, ang lalaki umano ang unang nanuntok kay Awra kaya lumaban ito.
Kinondena niya rin ang mga nagsasalita nang negatibo patungkol sa batang komedyante.
Maging ang kasamahan ni Zeinab Harake na si Jahan Visperas ay pinatunayan ding ipinagtanggol lamang ni Awra ang kanyang mga kaibigang binastos.
Sabi nga ni Zeinab kay Awra, “Walang iwanan sa ere, ayun ang tunay na kaibigan.”
Pati ang vlogger na si Donnalyn Bartolome ay dinepensahan din si Awra.
Bukod sa mga nabanggit na personalidad, marami rin ang nagpahayag ng suporta kay Awra. Sa katunayan, trending sa Twitter ang hashtag na #JusticeForAwra bilang pagsuporta sa batang komedyante.





Comments