Gasgas lang na paninira ang korupsiyon noong Martial Law
ni Ka Ambo - @Bistado | October 23, 2021
BUBUKSAN na ang mga sinehan.
Pero, bawal pa rin ang “hopia, mani at papkorn”!
◘◘◘
SERYOSO raw si Sen. Kiko sa pagkandidatong VP.
Kawawa naman si Sharon, ipinahamak ng sariling mister!
◘◘◘
MAY bagong Delta variant.
Pinepeste nito ang Russia kahit may sariling Sputnik vaccines!
◘◘◘
TUTULONG daw ang U.S. kapag nilusob ng China ang Taiwan.
Tutulong lang, pero puwede ring umatras tulad sa Vietnam at Afghanistan!
◘◘◘
KAHIT ang Pilipinas ay hindi dapat sumandal sa saklolo ng US.
Naranasan na ‘yan batay sa kasaysayan!
◘◘◘
KANDIDATONG senador si dating Defense Secretary Gibo Teodoro.
Gamit niya ang Peoples Reform Party ng yumaong si Sen. Miriam Defensor Santiago!
◘◘◘
KUNG tinanggap ni Gibo ang alok ni P-Digong na magbalik bilang defense secretary—dapat pang-Malacañang na siya.
Ngayon, Senado ang target niya!
◘◘◘
AYON mismo kay P-Digong, nagpa-panic si Gen. Bato sa akusasyon ng ICC.
Huh, baka umiyak na naman siya?
◘◘◘
MARAMI na ang magkukusang hindi dumalaw sa sementeryo ngayong Undas.
Bukod sa bawal, takot sila na magkaroon ng COVID!
◘◘◘
MAY mga sementeryo na pinaglibingan ng mga namatay sa COVID—at hindi sinunog.
Malaki ang gastos sa cremation, kaya’t isinilid na lang sa sako at ibinaon sa ilang sementeryo ang mga biktima ng COVID-19!
◘◘◘
PINABORAN ng Korte Suprema ang reclamation project sa Manila Bay.
Natatalon sa tuwa ang mga kroni!
◘◘◘
PINUPUTAKTE ng batikos si ex-Sen. Bongbong Marcos mula sa kampo ng kapwa presidentiables.
Sumasakay sila sa popularidad ng anak ni Meldy!
◘◘◘
ANG batikos kay BBM ay lalong nagpapaangat sa kanya sa survey.
Lalong nagiging popular at nakakahakot ng simpatiya!
◘◘◘
ISYU ng korupsiyon sa panahon ng Martial Law ay isa nang gasgas na paninira.
Nahatulan na ‘yan ng mga botante nang kapwa maging senador ang mag-utol na sina Bongbong at Imee.
Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
◘◘◘
MAGING ang mga kritiko, kasama ang Rappler ay aminadong nangunguna si Marcos sa mga survey.
Mas madarami pa ang mga maka-Marcos mula sa modernong kabataang niloko ng mainstream media!





Comments