top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Garapalan na ‘friend’ ni P-Digong ang mamamahala sa distribution ng election paraphernalia

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 2, 2021



‘FRIEND’ NG PANGULO ANG MAMAMAHALA SA DISTRIBUTION NG ELECTION PARAPHERNALIA, GARAPAL ‘YAN—Ang kumpanyang F2 Logistics Firm ni Davao City Chinese oligarch Dennis Uy ang nakakopo ng P535-M contract sa Comelec para mag-deliver ng mga vote counting machines, balota, ballot box, voters lists at iba pang election paraphernalia sa mga lugar na pagdarausan ng halalan sa Mayo 9, 2022.


Masyado namang garapal ‘yan kasi mantakin n’yo, may mga kandidato si P-Duterte sa eleksiyon, tapos ang distributions ng mga elections paraphernalia sa halalang 2022 ay sa kaibigan ng pangulo ipagkakatiwala, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


TAGA-DAVAO ANG PANGULO, MAJORITY NG COMELEC COMMISSIONERS TAGA-DAVAO AT KUMPANYANG MAGDI-DISTRIBUTE NG ELECTION PARAPHERNALIA TAGA-DAVAO CITY, EH, ‘DI WOW!—Kinondena ng poll watchdog na “Kontra-Daya” ang Comelec sa pag-aprub na ang kumpanya ng kaibigan ni P-Duterte ang mamamahala sa distribution ng mga elections paraphernalia dahil posible magkaroon ng hokus-pokus para paboran ang mga kandidato ng administrasyon sa halalang 2022.


Dapat lang talagang kondenahin kasi mantakin n’yo, taga-Davao City ang pangulo, majority ng Comelec commissioners ay taga-Davao City, tapos ang mamamahala ng distribution ng mga election paraphernalia ay taga Davao City pa rin, eh, ‘di wow, buwisit!

◘◘◘


PARA MAALIS ANG PAGDUDUDANG MAGKAKADAYAAN SA ELEKSIYON, DAPAT IPA-REJECT NI P-DUTERTE SA COMELEC KONTRATA SA KUMPANYA NI DENNIS UY—Para maalis ang pagdududa ng mamamayan na may planong gawing hokus-pokus sa eleksiyon ang Duterte gov’t. ay dapat si P-Duterte na ang magsabi sa Comelec na i-reject ang kontratang pinasok nito sa kumpanya ni Dennis Uy.


Pero kung dededmahin lang ni P-Duterte ang isyung ito, at hahayaan na ang kumpanya ng kaibigan niya ang mamahala ng distribution ng mga election paraphernalia ay lalabas na pang-uungoy lang pala sa mga Pilipino ang sinabi niya na kesyo gusto niya ay magkaroon ng malinis na eleksiyon sa halalan 2022, period!


◘◘◘


KONTRATA NG COMELEC AT KONTRATA NG PS-DBM, MGA KAIBIGAN NI P-DUTERTE NAKAKOPO—Ang pagbibigay ng kontrata ng Comelec sa F1 Logistic Firm ay katulad din ng kontratang ibinigay ng PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management) sa Phamally Corp.


Kaya natin nasabing magkatulad ay dahil parehong kaibigan ni P-Duterte ang mga nakakopo sa mga kontratang ito kasi ang kontrata sa Comelec ay kay Dennis Uy napunta at ang kontrata sa PS-DBM ay sa tropa ni Michael Yang napunta.


At dapat tandaan ng ating mga kababayan, dinaya ng tropa ni Michael Yang ang mga Pilipino sa presyo ng mga medical supplies, ‘ika nga, overpriced, kaya’t sa halalan next year, dapat maging alerto at maging mapagmasid ang mamamayan dahil baka ang boto naman ang dayain ng kumpanya ni Dennis Uy, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page