Ganuelas-Rosser, nakalagda na sa bossing PBA draft pick
ni GA - @Sports | May 28, 2022

Opisyal nang miyembro ng Blackwater Bossing si 2022 PBA Top draft pick Brandon Ganuelas-Rosser nang pumirma na ito ng rookie max-contract na tatlong taon upang matulungan ang koponan na maiahon sa masaklap na puwesto sa 47th PBA Philippine Cup.
Paniguradong malaki ang maitutulong ng 6-foot-7 na Filipino-American sa Blackwater matapos lumagda sa kasunduan nitong Huwebes para paghandaan at patatagin ang koponan matapos ang masamang rekord noong nagdaang dalawang komperensya, kung saan nalasap nila ang longest losing streak sa liga sa 29, habang may 0-11 kartada ito sa Philippine Cup at 1-10 sa Governors Cup.
Kasama ng 23-anyos na si Ganuelas-Rosser, kapatid ni TNT Tropang Giga forward Matt, ang kanyang kinatawan na si Charlie Dy ng Virtual Playground para makipagpirmahan kay Blackwater team manager Johnson Martinez.
Nauna na ring pumirma ng kontrata para sa Blackwater si dating Alaska Aces (ngayo’y Converge FiberXers) bigman Yousef Taha ng 1-year contract.
Napapirma rin ng Bossing si dating Converge free agent Rey Publico matapos na lumahok ito sa tune up game ng koponan nitong nagdaang Sabado, habang pumayag sa 2-year-deal si rookie Ato Ular ng Letran at DLSU Archer Mark Dyke ng 1-year-deal bilang mga rookies, ng mapili ang mga ito sa second round sa No.13 at first round No.11, ayon sa pagkakasunod.
Ayon rin sa report ay pansamantala namang iiwan ni dating UP Fighting Maroons forward Andre Paras ang Blackwater upang muling sumabak sa kanyang acting career.





Comments