top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ganu'n, Rita? BIANCA KAY KEN: MAS OKS NA PAIBA-IBA ANG 'BABAE' MO

BULGAR
Mar 11, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 11, 2022




Aminado si Ken Chan na talagang nanibago siya na hindi kapareha si Rita Daniela sa kanyang bagong serye sa GMA-7, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss kung saan ay si Bianca Umali naman ang kanyang kapareha.


“After 3 years na pagsasama namin ni Rita, this is got to be my first teleserye na gagawin na wala si Rita,” ani Ken sa virtual mediacon ng serye. “Nakakapanibago siya, honestly. But sobrang laking tulong ni Bianca talaga sa akin."

Tulad ni Ken ay galing din sa isang love team si Bianca kaya naman tinulungan daw siya nito at binigyan ng mga payo.


“Kumuha rin ako ng advice at binigyan din niya ako ng advice dahil after ng love team niya, eh, gumawa siya ng iba’t ibang teleserye na iba’t iba ang naka-partner niya.


“So, nagbigay siya sa akin ng advice at talagang nakatulong ‘yun sa akin,” sey ni Ken.


“Sabi sa akin ni Bianca, talagang mas maganda, mas healthy kapag hindi ka na-stick sa isang love team kasi nakakaparehas mo, nakakatrabaho mo ang iba’t ibang aktor at aktres sa paligid mo. So, hindi nalilimitahan ang trabaho mo,” dagdag pa ni Ken.

Ayon sa aktor ay pinaghandaan talaga niya ang kanyang papel bilang Richard Lim.

Nanood daw talaga siya ng mga romantic-comedy series and movies bilang rom-com ang genre ng bago niyang serye.


“First time kong gumanap na isang tao na may OCD (obsessive-compulsive disorder), introvert, perfectionist. First time kong gumawa ng ganu’n, so I have to watch these kinds of series o these kinds of character na makakatulong sa akin para mahulma ko ‘yung karakter,” he said.


Sa March 14 na ang airing ng Mano Po Legacy: Her Big Boss na second season ng Mano Po series. Ang first season ay ang Mano Po: The Family Fortune na kakatapos lang umere.


Bukod kina Bianca and Ken, kasama rin sa 2nd installment ng Mano Po sina Pokwang at Kelvin Miranda. Also in the cast are Teejay Marquez, Sarah Edwards, Sarah Holmes at marami pang iba. Ito ay mula sa direksiyon ni Easy Ferrer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page