Ganu'n din daw kina Zanjoe at Gerald noon… BEA, TODO-DISPLEY NG PAGHALIK KAY DOMINIC SA IG
- BULGAR
- May 12, 2023
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 12, 2023

Ang daming kinilig at napasaya sa latest Instagram post ni Bea Alonzo ng video clips ng travel nila ng boyfriend na si Dominic Roque sa ibang bansa.
Mababasa sa mga comments ng mga netizens na feeling in love rin sila dahil sa ka-sweet-an ng celebrity couple.
'Yung iba nga, mas naiinip pa kina Bea at Dominic at ipinu-push na ang magdyowa na magpakasal na.
Pero kung maraming positive feedback sa IG post ni Bea, may isang netizen na pumuna sa sweetness ng mag-sweetheart, lalo na sa pagiging mas sweet at clingy ni Bea kesa kay Dominic.
May isang video clip kasi ru'n kung saan si Bea ang yumakap at humalik kay Dominic.
Komento ng naturang netizen, "You are always PDA EVEN with Gerald (Anderson) Ns Sanjo (and Zanjoe Marudo). Lets (sic) the guy do it for u."
Hindi na sumagot si Bea sa komento ng netizen pero ang kanyang mga fans ang nag-reply dito.
Sabi ni @marinaenriquez8025 "I guess nobody is doing it to you, if sad ka, 'wag kang bitter at mandamay ng iba. 'Pag inggit, pikit."
Sey naman ni cv_licious, "Hayaan na lang natin 'yung mga negative vibes, baka may malaking pinagdadaanan sa buhay kaya ganyan maka-comment."
Well, kung kami naman ang tatanungin, wala namang masama kung maging showy si Bea sa pagmamahal niya kay Dominic, pero siguro lang, ilagay sa tamang lugar dahil artista siya at babae pa.
Kahit year 2023 na ngayon, marami pa rin kasi sa atin ang may pagka-conservative at naniniwalang ang intimate moments ay ginagawa sa pribadong lugar at hindi na dapat pang ipangalandakan sa social media.
Kahit pa sabihing nasa tamang edad na si Bea, boyfriend pa lang niya si Dominic at hindi pa asawa at du'n siguro nag-aalala ang ilang conservative na baka hindi na naman sila magkatuluyan at magkahiwalay din, siya ang nasa losing end kung saka-sakali.





Comments