Ganu’n daw sila ka-close… OSANG: MANOY NI JOSEPH, IPINAKIKITA SA ‘KIN
- BULGAR
- Jan 20, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 20, 2024

Photo: Screengrab from TV5
Todo-papuri si Rosanna Roces sa mga bida ng Kapamilya drama series na Pira-Pirasong Paraiso na sina Loisa Andalio, Elisse Joson, Alexa Ilacad and Charlie Dizon.
Special mention din ni Osang ang isa sa male leads ng hit serye na si Joseph Marco sa ginanap na finale mediacon ng Pira-Pirasong Paraiso.
Ayon kay Osang, “Si Joseph Marco, ang tagal naming nagkasama niyan sa Ang Probinsyano, as in. Parang naging magkapatid na kami niyan doon, ‘no? Pati ano (manoy) niyan, nakita ko na. Hihihi.
“Ipinakikita naman nila kasi sa akin. Eh, ako naman, tinitingnan ko siyempre. Pero walang malisya ‘yun. Mahal ko ‘yan si Joseph.”
Dalawang beses nang pinatay ni Osang si Joseph sa dalawang Kapamilya serye, ang FPJ’s Ang Probinsyano at Pira-Pirasong Pangarap.
Sobrang seryosong tao raw si Joseph at may plano sa buhay.
“Alam niya ‘yung after many years, nandito na siya. Pati pag-aasawa niya, nakaplano.
Hindi siya ‘yung tira nang tira, ganoon. ‘Yung gusto ko ngayon, gusto ko ngayon.
“Pang-matagalan ‘yung itinatakbo ng career niya, kung kailan siya magkaka-girlfriend at kung kailan siya mag-aasawa. Planado niya lahat,” papuri ni Osang kay Joseph.
Notorious si Osang sa showbiz na may pagka-pilya sa kanyang male co-stars sa set.
Kaya tinanong namin si Osang kung nagkaroon ng chance na “nakaharutan” niya si Joseph sa set ng Pira-Pirasong Paraiso after ng finale mediacon sa labas ng studio.
“Lahat,” sambit niya. “Lahat nasasabi ko. Kunwari… Naku! Ano ba ‘tong bunganga ko?
Ayoko na. Hahaha!”
But after a while, nagkuwento rin si Osang sa amin.
“Kunyari, may nagkaka-crush sa kanya na senior din, ganoon. So, ako ‘yung… natutukso ko siya nang todo doon.
“Kahit mamatay-matay na siya sa kahihiyan, ako ‘yung talagang ano… Hindi ko naman siya binu-bully, pero ‘yan, mamamaluktot lang ‘yan, ganoon.”
Inamin ni Osang na walang nagparamdam sa kanya na young male star na nakasama niya sa mga projects lately.
Iba na raw kasi ang generation ngayon kesa sa panahon niya. And now, feeling “tita” na lang daw siya sa mga batang male actors na katrabaho niya sa set.
Wala na raw “nagpapabinyag” sa kanya ngayon.
“Wala na. Hahaha!” sabay bawi niya, “‘Kala mo naman dati, meron. Hahaha!”
Then, may nagtanong kay Osang kung possible kaya na lumabas din siya sa GMA-7, ang kanyang dating home network.
“Hindi ko pa alam. Kasi loyal ako sa nagbibigay sa akin ng trabaho siyempre. Kaya kita n’yo nga nu’ng eleksiyon, ‘di ba? Tahimik lang ako.
“Kasi, ABS ang bumubuhay sa akin. So, hindi man ako kakulay ng kulay nila, naka-zipper ang bibig ko.
“Bakit? Eh, sila ang nagpapasuweldo sa akin.”
Wala naman daw kontrata si Osang sa ABS-CBN pero pinairal niya sa sarili ang salitang loyalty.
“So, sila ‘yung, especially si RSB (Ruel S. Bayani), siya ‘yung nagbukas sa akin ng (pinto) pagkatapos ng matagal na panahon. So, pinapahalagahan ko ‘yun. Tapos si Sir Deo (Endrinal).”
Kasama rin ni Osang sa PPP ang dating Seiko Films stars na sina Gardo Versoza at Snooky Serna.
“Na-discover ko sa kanila now na hindi talaga mataray si Snooky. Tapos, si Gardo naman, ilang beses akong niyayang mag-TikTok, hindi ko napagbigyan kaya medyo masama ang loob ko.
“Uh, masama ang loob ko na hindi ko siya napagbigyan. I don’t feel good na hindi ko siya napagbigyan. Kasi hanggang last day, niyaya niya akong mag-Tiktok.”
Bakit ayaw niya?
“Duguan na ako, eh,” katwiran ni Osang. “‘Yung ketchup, nasa buong katawan ko.”
Tutukan ang natitirang huling linggo ng Pira-Pirasong Paraiso.
Comments