ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 10, 2024
Tulad ng ibang Regal Babies, hindi rin makapaniwala si Dina Bonnevie na pumanaw na si Mother Lily Monteverde.
Isa si Dina sa original Regal Babies ni Mother Lily at napakarami rin niyang magagandang alaala sa Regal matriarch.
“Parang hindi pa nagsi-sink in sa ‘kin kasi Mother was really like a mother to me,” ani Dina sa panayam ng media sa kanya nang dumalo siya sa wake ni Mother Lily.
“Because when I started, I knew how many times she would spank me kasi palpak ‘yung Tagalog ko. She would call me, ‘Itong malanding Bicolanang ‘to,’ ‘yan ang favorite dialogue n’ya sa ‘kin,” pag-alala ng seasoned actress sa yumaong film icon.
Napakarami raw nilang pinagsamahan ni Mother Lily at sobrang close sila to the point na kasama pa siya sa banyo kapag naliligo ito.
“We would eat lugaw together, be in her kitchen together. She would be taking a bath and I’m inside her banyo waiting for her, while she’s taking a bath. That close,” kuwento niya.
May time pa raw na habang nag-aaway sina Mother Lily at asawa nitong si Father Remy ay nasa gitna siya ng mag-asawa.
“Tapos minsan, ‘pag nagseselos s’ya kay Father, ako ‘yung panangga n’ya. ‘Ayan, oh, si Father.’ ‘Mother, nag-i-imagine ka, walang ginagawa si Father.’ Tapos, ‘pag nag-aaway na sila, 'andu’n ako sa gitna. Sabi ko, ‘Why am I here?’” natatawang tsika ng aktres.
Dumating pa raw sa puntong pati ang mga anak ni Mother ay nagseselos na sa kanya dahil lagi nga siyang nasa kuwarto nito.
“There was even a time na sina Meme and Roselle, parang nagseselos sila kasi lagi akong nasa room ni Mother. And I would tell her, ‘Why am I always in your room? I wanna go out,’” pagre-recall pa ni Dina.
“Ako ‘yung pinakarebelde, actually, pero mahal na mahal n’ya ako kasi I tell her what’s in my head,” dagdag pa niya.
Hanggang sa eventually ay naging sobrang close na rin daw siya kina Meme and Roselle na parang kapatid na rin ang turing sa kanya.
“I’m just happy na nakita ko sina Meme and Roselle (sa burol) kasi it’s like seeing siblings that I missed for so long ago,” sey ni Dina Bonnevie.
Hindi nakapagpigil si Dominic Roque at sinagot ang hindi magandang komento ng isang netizen sa kanyang Instagram (IG) post.
Nag-upload ang ex-fiancé ni Bea Alonzo ng mga series of photos ng mga kaganapan sa buhay niya noong nakaraang buwan.
Caption niya, “Half of Hulyo, mostly phone photos…(wink emoji).”
Umani ng positive reactions ang post ng dating aktor mula sa kanyang mga followers, pero may isang netizen na tumawag ng kanyang pansin dahil sa komento nito.
“Happy ‘yung jowa ni Bullet,” sey ng netizen.
Kaya naman sinagot ito ni Dominic.
Aniya, “Luh, epal oh (laughing emoji).”
Ang tinutukoy ng netizen ay si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos na matatandaang na-link kay Dominic, matapos ang breakup nito kay Bea Alonzo.
Matatandaang natsismis pa na si Mayor Bullet ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea.
Kaagad namang nilinaw ni Mayor Bullet sa isang panayam na matagal na silang magkaibigan ni Dominic Roque at hindi totoong may relasyon sila.
Inalala ni Ruffa Gutierrez ang mga magagandang pinagsamahan nila ng pumanaw na film icon na si Mother Lily Monteverde.
Sa kanyang Instagram (IG) account, ikinuwento ni Ruffa na sa Amerika raw sila unang nagkita ng Regal matriarch noong 1985. That time ay sa nasabing bansa sila naninirahan at pumunta raw roon ang producer para kumbinsihin ang kanyang amang si Eddie Gutierrez na magbalik sa showbiz.
“I have known Mother Lily for over 39 years now and my first encounter with her was a remarkable one. It was in the States, 1985 to be exact, when she was convincing my dad to make a movie comeback. My dad said yes and the rest is history!” sey ng aktres.
Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa Regal Films producer na siyang naging daan para magbalik sila ng Pilipinas.
“Mother, thank you for being instrumental in the beautiful life we live now. We would not have moved back to the Philippines if it weren’t for you. Thank you for giving me opportunities to grow & develop my skills as an actress, for taking care of me as a Regal baby, for being a second mother to me during my growing years,” aniya.
Ginunita rin ni Ruffa na lumipad din si Mother Lily sa South Africa nang lumaban siya sa Miss World beauty pageant bilang suporta sa kanya.
“In November of 1993, you even flew 28 hours all the way to Sun City, South Africa with Mom, Dad and the late Alfie Lorenzo to cheer me on as I competed in the 43rd Miss World beauty pageant (crown emoji). You were always there for me through ups and downs,” pag-alala ng aktres.
“I love you, Mother. The Gutierrez family loves you. Rest easy in paradise with Father. Your legacy lives on, a testament to a life well-lived (red heart and dove emoji),” ang farewell message ni Ruffa Gutierrez kay Mother.
Matatandaang pumanaw si Mother Lily Monteverde nitong August 4, sa edad na 85 years old.
Comentários