Ganu'n daw ang totoong lalaki, Bea… GERALD: BE A GOOD PARTNER. KAPAG NAGKAMALI KA, AKUIN MO!
- BULGAR
- Oct 28, 2022
- 3 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 28, 2022

Ang dalawang bida ng seryeng A Family Affair na sina Gerald Anderson at Sam Milby ang cover sa digital magazine na Flex.
"True Flex of Modern Masculinity" ang concept ng digital magazine volume 2 ngayong Oktubre kaya natanong ang dalawang aktor bilang mga social media personalities kung may limitasyon ba sila sa pagpe-flex sa kanilang social media accounts.
Naunang sumagot si Gerald, “Bago tayo pumasok now (virtual mediacon), may finlex ako, ‘yung resort ko na Hayati (Beach Resort). I wanna flex not in a way na parang para malaman na may resort ako. No! I just want everyone to be able to enjoy something na pinaghirapan ko na hindi lang para sa akin kundi para rin sa public.
“Alam mo ‘yung mga ganu’ng bagay. Flexing A Family Affair kung ano ang aabangan sa next episode, that’s one na I’m very proud of, kasi alam ko kung gaano namin pinaghirapan ‘yun.
“And maraming bagay na magiging proud ka, pero not necessarily maging flex ka. Mas masarap minsan kung kayu-kayo lang o something to be proud of na hindi mo kailangang ipagkalat sa buong mundo.
“And I think it comes also for being secure as a person, na hindi mo kailangang laging patunayan ang sarili mo or laging naghahanap ka ng attention and sa social media mo hinahanap. It’ll be very dangerous. May mga bagay na ipe-flex para sa lahat, may mga bagay na dapat i-flex para sa pamilya mo at para sa sarili mo.”
Sabi naman ni Sam, “I think in the last year, I have only two posts. So, I can’t say about flex in social media because I’m not really that active. And yeah, it’s gonna be a personal choice and I understand that it’s part of the job sharing with the fans.
“Ang problema kasi sa social media, and I understand that, there’s a lot of fans and supporters but it’s so toxic also. We lived in a society we love to judge.”
Noon daw ay okay pa ang social media, pero sa panahon ngayon ay iba na dahil madali na lang itong gamitin para i-bash ang taong hindi gusto, lalo na’t gumagamit ng trolls ang iba.
At kung mapapansin ay walang gaanong detalyeng ipino-post si Sam tungkol sa relasyon nila ng girlfriend niyang si Catriona Gray dahil gusto nilang maging pribado ito.
Ano naman ang ibig sabihin ng "modern masculinity" para kina Sam at Gerald?
“Medyo old school ako, eh. I think a man should know his responsibilities. Kapag may maling ginawa, own up to the responsibilities. Kapag may tamang ginawa, learn from it.
“Do more of it. Be a good citizen, be a good person, be a good partner, and be a good member of the family. Alagaan mo ‘yung pamilya mo, alagaan mo ‘yung mahal mo sa buhay.
“Be respectful, be competitive but also be humble. Always learn from your mistakes and try to be a good person. Para sa akin, I think that’s the modern man,” magandang sagot ni Gerald.
Tungkol naman sa contentment ang paniniwala ni Sam.
“I’m 38 now and I’m very contented, I’m happy and in love with (Catriona). I’ve been so blessed after 16 years sa business, still having work. Matatapos na ang The Family Affair and it’s such a big blessing (sa kabila ng) lahat ng pinagdaanan.
“It’s the growth that you go through kasi kung wala kang pinagdaraanan, kung wala kang pagsubok sa buhay, you have no growth.
“It’s knowing and accepting the mistakes that you make and growing from them, and always being humble and seeking out, wanting to keep growing and that’s what I wanna do.
“I wanna keep growing kahit 60s, 70s na ako. You’ll never gonna stop growing. I’m really content with my life right now. I’m happy,” mahabang sabi ni Sam.
Sa tanong na kung gagawa ng sexy scenes si Gerald, ano ang ‘too much’ para sa girlfriend niyang si Julia Barretto, sagot ng aktor, “Wala naman akong nagagawa na sobra o ano. Sa awa ng Diyos, ang mga naibibigay sa aking scenes o roles ay importante sa kuwento. If love is involved sa eksena, hindi ko gagawin in respect sa partner ko.
“And 5 years or 10 years from now, you don’t want your kids watching na hindi ka maging proud of. Hindi naman selosa si Julia,” sagot ng aktor.
Anyway, ang matinee idol na si KD Estrada ang unang cover sa volume 1 ng Flex na inilabas noong Mayo.





Comments