Ganern, Seth? SIGAW NG NETIZENS: ANDREA, LUMAKI ANG BOOBS DAHIL SA BF NA SI RICCI
- BULGAR
- Dec 5, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 5, 2022

Nag-viral kamakailan ang isang larawan ni Andrea Brillantes kung saan ay kapansin-pansin ang kanyang well-endowed boobs. Ang daming nagtanong kung nagpadagdag ba siya at puna nga nila, dati namang hindi raw ganyan kalaki ang kanyang boobey.
May mga hindi pa magagandang komento na baka raw ang boyfriend na si Ricci Rivero ang dahilan ng paglaki ng boobs ni Blythe (real name ni Andrea).
Obvious din na malaki ang ipinayat ngayon ng aktres.
Sa latest vlog ni Ogie Diaz with Mama Loi and Dyosa Pockoh ay ibinalita niya na sinabihan daw si Andrea ng ABS-CBN Management na magbawas ng timbang.
“Ang totoo, 2 months ago, sinabihan ng taga-ABS-CBN na magpapayat kasi medyo siya ay lumusog dahil naparami yata ang kain nu’ng siya’y nag-USA. Oo, ‘yung mga show-show doon.
“Kaya naman si Andrea, ito ay tumimo sa kanyang isipan. Siya ay talagang nag-concentrate.
Siya ay nag-focus na magpapayat,” tsika ni Ogie.
Kapag pumapayat daw kasi ang katawan ng isang babae ay lalong nagiging prominent ang boobs, plus noon pa ay malaki na talaga ang upper bumper ni Andrea.
Kaya wala raw kinalaman si Ricci sa paglaki ng boobs ng aktres.
Ibinalita rin ni Ogie na may gagawing proyekto si Andrea ngayong January, 2023 at ang makakapareha na raw nito ay si Kyle Echarri.
“Sila na ni Kyle Echarri ngayon (ang magkakapareha). Si Seth Fedelin (dating ka-love team ni Andrea), talagang kay Francine Diaz,” sey ni Ogie.





Comments