Ganern?! KC, ETSAPUWERA SA ITINA-TAG NI SHARON SA SOCMED POSTS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 24, 2022

May post si Sharon Cuneta hinggil sa gagawin niyang Hollywood film adaptation ng award-winning novel na The Mango Bride. Lumabas ang nasabing Hollywood film adaptation sa Variety magazine.
Agad na ipinost ni Mega ang magandang balita sa kanyang Instagram account.
"SURPRISE! Hollywood, here comes the PINOYS.!!! Please pray for this project to succeed. My prayer is that it is able to open doors for ALL OF US in the industry. FINALLY!!!"
Ang daming itinag ng Megastar sa kanyang post kabilang ang mister na si Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie at Miel.
Naka-tag din ang mga kasamahan niya sa FPJ's Ang Probinsyano na pinangungunahan nina Coco Martin at Julia Montes, at marami pang mga artista at mga Kapamilya bosses.
Pero, kapuna-punang hindi nakasama sa dami ng kanyang itinag ang panganay niyang anak na si KC Concepcion.
Napansin ito ng mga Marites at kani-kanyang komento…
"Pa'no ang anak, dedma, 'di man lang mag-help sa kampanya. Buti pa ibang tao, ikinakampanya si Kiko, eh, siya, ni post, wala."
"Ako ang nahihiya for her. Bakit need i-tag ang sandamakmak na artista sa post niya? Ba't nasali sina Regine at Ogie, Pops, etc. d'yan, eh, singer ang mga 'yun. Haha!"
"She wanted them to know that she's going to be a Hollywood star na and she would like them to congratulate her lol..."
"Na-notice rin namin 'yung absence niya sa 'Pinas. I thought close sila ni Kiko, pero hindi man lang siya tumulong sa campaign."
"Eh, baka may tampuhan na naman nang slight."
"Mas pinili ni KC ang work as ambassador sa UN na bawal mag-endorse ng candidate."
Ang tanong naman ng isa, "Itinag 'yung ibang artist for promotion or gusto lang i-flex ang Hollywood project?"
May nagsabi namang "Babalik si KC sa 'Pinas for Kiko's campaign. Masyado kayong atat!"





Comments