top of page
TALKIES - CHARIZ, UMAMING MAY THIRD EY-IG _chariz_solomon.jpg

Ganern, Karla?! DANIEL, BUMILI RAW NG P48M BAHAY PARA SA KANILA NI KAILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 22, 2026



TEKA NGA - DANIEL, BUMILI RAW NG P48M BAHAY PARA SA KANILA NI KAILA-FB Circulated

Photo: FB / Circulated



May kumakalat na balita ngayon pero wala pang kumpirmasyon mula kay Daniel  Padilla na bumili siya ng brand-new house worth P48 million para sa kanila ng GF niyang si Kaila Estrada. 


Nasa Taguig, malapit sa BGC (Bonifacio Global City), daw ang said property. Unang kita pa lamang daw ni DJ ay nagustuhan na niya ito, kaya agad na niya itong binili. Dito na raw ititira ng aktor si Kaila sakaling magdesisyon na silang magpakasal.


Ganunpaman, pareho pa silang abala ng aktres sa kanilang career ngayon. Wala pa sa plano nila ang pagse-settle down.


Malayo pa ang mararating ng career ni Kaila. Si Daniel naman ay inaasikaso ang kanyang mga naipundar na negosyo at investments.


Basta sa ngayon ay ine-enjoy muna nila ang pagta-travel abroad kapag libre ang kanilang schedule. Kailangang stable na ang kanilang kabuhayan bago sila bumuo ng kanilang pamilya.





Nasa GMA-7 na…

VICE, SINA MICHAEL V., MARIAN AT ALDEN ANG GUSTONG I-GUEST SA GGV



ISA si Michael V. sa mga gusto ni Meme Vice Ganda na i-guest sa talk show niyang Gandang Gabi Vice (GGV) na magsisimula nang umere sa GMA-7 sa Setyembre.

Nangangahulugan lamang ito na kinikilala ni Vice Ganda ang husay ni Bitoy bilang isang comedian.


May pagkakaiba ba ang atake ng mga stand-up comedians na tulad ni Meme sa style ng pagpapatawa ng comedian na tulad ni Michael V.?


Mahigit tatlong dekada na sa showbiz si Bitoy at patuloy na pinanonood ang kanyang mga shows sa GMA-7, ang Bubble Gang (BG) at Pepito Manaloto (PM).


Kahit parehong comedian, magkaiba ang direksiyon ng career nina Michael V. at Vice Ganda. Nagsimula si VG bilang stand-up comedian, tapos nag-host ng show at nagbibida rin sa pelikula.


Ano pa ba ang gusto niyang matutunan kay Michael V.? Puwede kaya silang mag-collab at magsama sa isang pelikula?


Well, bukod kay Michael V., gusto ring i-guest ni Vice Ganda sa GGV sina Marian Rivera, Alden Richards, atbp..

Excited na siya sa muling pagbabalik ng GGV.





‘Di raw buntis…

SHAIRA, AMINADONG TUMABA DAHIL SA SAKIT



NAG-GAIN lang daw siya ng weight, pero hindi siya buntis. Ito ang naging paglilinaw ng Kapuso actress na si Shaira Diaz bilang sagot sa mga naglalabasang tsika na malapit na siyang maging ina.


Isang taon na silang kasal ni Edgar Allan ‘EA’ Guzman, kaya natural lang na isipin ng publiko na malapit na silang magka-baby.


Maraming viewers ng Unang Hirit (UH) ang nakapansin na medyo chubby si Shaira. Pero gustuhin man nila ni EA na magka-baby na ay hindi pa ibinibigay sa kanila.

Under medication ngayon si Shaira dahil sa kanyang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS). May imbalance sa kanyang hormones.


Medyo nasasaktan lang si Shaira ngayon sa mga natatanggap niyang comments at panlalait dahil sa kanyang pagiging chubby. Kaya may pakiusap siya sa mga bashers na huwag naman silang maging mapanghusga sa kapwa.


Mahirap ang sitwasyon ng mga babaeng may PCOS. Madalas ay ginagawa silang katatawanan at kinukutya. Hindi nila deserve ang body-shaming.





HINDING-HINDI makakalimutan ni Phillip Salvador ang yumaong direktor na si Lino Brocka. Marami siyang nagawang pelikula na si Brocka ang direktor. 


Pero sa pelikulang Cain at Abel (CAA) nakuha ni Ipe ang kanyang unang Best Actor award sa Gawad Urian noong 1983.


Nagmarka rin sa publiko ang pelikulang Jaguar na nakasali noong 1980 sa Cannes Film Festival.


Ilan pa sa mga makabuluhang movies ni Ipe ay ang Bayan Ko: Kapit sa Patalim at Orapronobis.


Kaya hanggang ngayon ay tinatanaw ng aktor na malaking utang na loob kay Brocka ang kanyang pagiging mahusay na artista.


Well, ipinagmamalaki ni Phillip na ang mga pelikula niyang idinirek ni Lino Brocka ay napasama sa aklat na Sine. Film. Pelikula: The 100+ Greatest Movies of Philippine Cinema.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page