top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ganern, Julie Anne? RAYVER, IPINAGSIGAWANG HAPPY AFTER NG HIWALAYAN NILA NI JANINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 18, 2022




“Kinaklaro ko po na there was no third party involved especially from my end,” ito ang idiniin ni Rayver Cruz sa nangyaring hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Janine Gutierrez noong Oktubre, 2021.


Sa panayam ni Nelson Canlas ng 24-Oras, unang pagkakataong nagsalita ang aktor pagkatapos ng apat na buwan.


In fairness ay wala rin namang binanggit si Janine na may 3rd party sa part ni Rayver, pero wala pa rin siyang dahilang ibinigay kung bakit nauwi sa breakup ang magandang relasyon nila considering na wala silang "major away" maliban noong nakipaghiwalay na ang aktres.


Anyway, naka-move on na nga ang aktor dahil okay na sa kanyang pag-usapan ang buhay-pag-ibig niya na nauwi sa wala.


“'Pag nagmahal ka, dapat marunong ka ring tumanggap ng sakit sa mga circumstances na pupuwedeng mangyari,” tumatawang sabi ng binata.


Dagdag pa nito, “Time heals all wounds. Okay na ‘ko and naka-move on na 'ko, 2022 na, eh. So, masasabi ko na naka-move on na ‘ko and I’m happy."


Samantala, marami ang humuhulang si Julie Ann San Jose na ang apple of the eye ngayon ni Rayver dahil binati nila ang isa’t isa ng "Happy V-day" noong Araw ng mga Puso kung saan nagkomento ang aktres-singer sa video post ng aktor na naggigitara at sinabayan ng kantang Make It With You mula sa Bread nu’ng mismong Pebrero 14.


“Happy Valentine’s Day,” caption ng binata.


Komento ni Julie Anne, “Galing-galing naman.”


Sabi ni Rayver, with heart emoji at spider emoji, “@myjaps Hi! Happy V-day hehe.”


Sagot din ni Julie Anne, “@rayvercruz Happy V-day.”


Sabi ng netizen, “Umamin na kayo nang makapagpa-lechon na ako!”


Ayon din sa isang supporter, “Ayan na! Malapit nang umamin yarn! Gogogo, JulieVer! You deserve to be happy. Sana nga, kayo na ang itinadhana! Bagay na bagay! Road to forever!”


May nakapansin na ‘pumpkin at spideyness' ang tawagan ng dalawa.


Magkasama sina Rayver at Julie Anne sa All-Out Sundays show ng GMA-7 tuwing Linggo.


Balik-tambalan naman sina Rayver at Kylie Padilla sa teleseryeng Bolera na ang kuwento ay tungkol sa magaling maglaro ng billiard.


Naunang nagsama ang dalawa noong 2014 sa pelikulang Dilim sa direksiyon ni Jose Javier Reyes produced ng Regal Films.


Going back to Bolera ay nakaka-relate ang aktor sa karakter niya dahil ang nagturo sa kanyang maglaro ng billiard ay ang tatay niya noong buhay pa, kaya kahit paano ay may alam si Rayver sa larong ito.


“May background naman ako sa paglalaro ng billiards. I mean, hindi ako sobrang galing pero nandoon naman ‘yung basics. Nagturo sa akin dati ‘yung papa ko nu’ng nabubuhay siya.


Favorite ng papa ko ‘yang game na ‘yan kaya natutunan ko rin kahit papaano,” kuwento ni Rayver sa 24-Oras.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page