Ganern, Julie Anne! MATTEO, IBINUKING NA SUPER IN LOVE SI RAYVER
- BULGAR
- May 16, 2022
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 16, 2022

Mula mismo sa mga supporters-friends nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, laging nasa bahay ng dalaga ang aktor at puro jamming ang ginagawa since pareho naman silang singer.
Sa dami na ng mga kinanta nina Rayver at Julie Anne ay ano kaya ang memorable song para sa kanila?
Ang latest post ng singer/actor/TV host ay ang duet nila ng Best Part na awitin ni Daniel Caesar ka-duet naman ang American singer na si H.E.R na sumikat 4 years ago na may 77M plus views as of this writing.
At habang isinusulat namin ang balitang ito ay mahigit na sa 93K views naman ang version nina Rayver at Julie Anne.
Kaarawan ni Julie Anne sa May 17 at ito rin ang araw ng alis ng binata patungong Canada para sa series of shows kasama sina Sam Milby at girlfriend, kaya siguro nagbabad si Rayver sa bahay ng dalaga.
Sa nakaraang panayam kay Julie Anne ay wala siyang inamin kung ano ang estado ng relasyon nila ni Rayver, pero umaming boto ang magulang niya sa binata.
Sa sinabing ito ng dalaga ay may ligawan na bang nangyayari? Kasi, paano magiging boto ang magulang kung wala namang ligawan?
Hmmm… sabagay, sa henerasyon ngayon ay hindi na uso ang label, basta’t click kayo sa isa’t isa ay okay na ‘yun.
Pero the fact na binigyan ni Rayver ng mamahaling piano as birthday gift si Julie Anne ay there’s something more, ‘di ba, mga fans?
Anyway, grabe ang comments section ng post ni Rayver dahil lahat ng celebrities, boto sa kanila ni Julie Anne at aliw kami kay Matteo Guidicelli sa comment niyang, “Naks. In love na in love ang kaibigan ko.”
Pero, ang nakakapagtaka, pagkalipas ng ilang minuto ay nawala na ang komentong ito ng hubby ni Sarah Geronimo.
Dalawang beses naming binalikan ang comments section pero hindi na namin makita ang cute na komento ni Matteo. O baka namalik-mata lang kami?





Comments