top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ganern, Julia? GERALD, NAG-COMMENT SA PIKTYUR NINA RAYVER AT BEA, 'DI RAW SIYA ISINAMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 27, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | September 27, 2022



Obvious na hindi muna tsinek ni Gerald Anderson ang mga kasama ni Rayver Cruz sa ipinost na mga larawan sa Instagram nito dahil nag-comment siya sa post ng kaibigan na nagtatanong ng “Without me?”


Kasama kasi sa mga photos na ipinost ni Rayver ang picture nila nina Julie Anne San Jose, Dingdong Dantes at Bea Alonzo.


Sabagay, sa unang litrato na ipinost ni Rayver, hindi makikitang kasama si Bea at nalaman lang siguro ni Gerald nang i-swipe ang post at nakitang kasama ang ex-GF niya sa susunod na photo.


Dinelete agad ni Gerald ang kanyang comment, kaya lang, may netizens na nakapag-screenshot kaya nabasa pa rin ang kanyang comment.


Tsinek namin ang post ni Rayver at sa first post, solo siya. Nasa third post ang photo na kasama si Bea.


Pinag-usapan ng mga netizens ang pagbura ni Gerald ng kanyang comment. Ang mga litrato ay kuha sa Amerika nang magtungo ang apat doon para sa concert ng GMA Pinoy TV.


Wala naman sigurong masama kung nakapag-comment si Gerald sa photo na kasama nina Rayver, Julie at Dingdong si Bea dahil alam ng lahat na hindi para kay Bea ang comment na ‘yun.


Sigurado ring maiintindihan ni Julia Barretto ang honest mistake ng boyfriend niya at walang rason para siya’y magselos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page