top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ganern? GERALD, ROLEX ANG XMAS GIFT KAY JULIA, PURO BULAKLAK LANG NOON KAY BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 13, 2022




Kahit marami pa ang na-impressed sa Rolex watch na regalo ni Gerald Anderson sa GF niyang si Julia Barretto, hindi naman ito big deal sa mga fans ni Bea Alonzo.


Kahit pa sinasabi ng ilan na hindi ito nagawa ni Gerald kay Bea noong sila pa ang magkarelasyon at puro bulaklak lang daw ang regalo dati ng aktor sa aktres, wa' raw silang pakialam.


May ilang ikinukumpara pa ngayon si Gerald sa bagong BF ni Bea na si Dominic Roque dahil wala man lang daw nai-post ang huli na Christmas gift sa aktres, bagkus ay naki-party lang daw si Dominic at ang kanyang pamilya sa farm nina Bea noong New Year.


Well, para naman sa malalapit na kaibigan nina Bea at Dominic, tahimik lang ang couple at hindi na nila kailangang idispley pa sa publiko kung anuman ang regalo nila sa isa't isa.


Hindi naman kasi sila materyosong tao. Mas may impact pa nga ang regalo ni Dominic kay Bea na hindi nabibili sa mall.


Ang tapat at wagas niyang pagmamahal kay Bea ay sobra-sobra na. At hindi na kailangan pa na regaluhan ni Dominic ng alahas at mamahaling gamit si Bea para lang patunayan kung gaano niya kamahal ang aktres.


Sagana na sa lahat ng materyal na bagay si Bea. Mga simpleng bagay na lang ang makakapagpaligaya sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page