top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ganern, Derek at John Lloyd? ANGELICA, SUPER-TAHIMIK AT PAYAPA ANG RELASYON KAY GREGG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 10, 2022




Sing-init pa rin ng firecrackers ang love life ni Angelica Panganiban pagpasok ng 2022. Super-inlabey pa rin kasi sila ng kanyang businessman boyfriend na si Gregg Homan.


Kahapon ay ipinost ni Angelica ang ilang larawan nila ni Gregg with some of their friends sa Instagram habang nagbabakasyon sa New Zealand.


At sa ibaba ng series of photos ng trip nila sa New Zealand, sweet and short lang ang inilagay na caption ng Kapamilya actress, “Mapayapa.”


Sa true lang, agree kami sa inilagay na caption ni Angelica. Kumpara kasi sa mga nakarelasyon niya na taga-showbiz na inulan ng mga intriga at kontrobersiya, parang ngayon nga lang naging tahimik ang love life ni Angelica sa piling ni Gregg.


Although, nagkaroon minsan ng isyu sa kanila ni Gregg nu’ng mag-rant si Angelica sa socmed against the Philippine Red Cross sa Subic dahil sa paghihintay nang matagal.


Other than that, very quiet at naging smooth ang relasyon nila for more than a year now.


Pero pansin lang namin, tila may hawig si Gregg sa dalawang ex ni Angelica na sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay.


In fairness, bagay na bagay tingnan sa picture sina Angelica at Gregg. Some showbiz kibitzers say na isa sila sa maituturing na loveliest celebrity couples nitong pandemic.


Hopefully, mauwi rin sa kasalan ang kanilang relasyon. Malay natin, baka may plano na silang magpakasal this year.


O baka naman may naganap na kasalan sa New Zealand, ‘di kaya?


Puwede, lalo pa’t may mga celebs na rin ang nagpakasal sa New Zealand gaya nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.


Pero pagbalik ni Angelica from New Zealand, may project siya na gagawin with Piolo Pascual.


Mismong si Piolo ang nag-announce na ang susunod na proyekto niya sa ABS-CBN is with Angelica. Sinabi ito ni Piolo during his grand welcome back and birthday celebration sa ASAPNatin ‘To last Sunday.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page