top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Ganern, Ariel? GELLI, AMINADONG DAHIL SA SEX KAYA MUKHA PA RING BATA SA EDAD NA 53

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 9, 2026



Gelli De Belen - IG

Photo: Gelli De Belen - IG


Walang bakas kay Gelli de Belen na 53-anyos na siya dahil walang makikitang linya sa mukha at super-fresh pa rin. Wala siyang ipinagbago at wala ring ipinagawa sa mukha niya.


Ito ang napansin sa aktres sa ginanap na mediacon ng pelikulang Mantsa na idinirek ni Louie Ignacio at produced nina Tine Areola at Bambbi Fuentes for Dragon Entertainment Productions.


Nakangiting sagot ni Gelli kung bakit ayaw niyang magpagawa ng mukha, “Takot na takot kasi ako! Una sa lahat, masakit, eh, paano kung magkamali? Conservative ako pagdating sa ganyan.” 


So far ay hindi pa naman niya kailangang magpabanat, pero mas nanaig ang takot niya kaya posibleng hindi pa rin siya dadaan sa karayom.


“Takot ako kasi masakit, walang point of no return! What if you don’t like what they do? What if mali? ‘Di mo na maibabalik ‘yun, eh, nakakatakot talaga,” diin pa ng aktres.


Sabi pa, “If I do something, magpapa-cleaning na lang ako (muwestra), magpapa-facial na lang ako.”


Samantala, biniro si Gelli kung aktibo siya sa maraming bagay at umoo naman siya sabay sabing, “S’yempre! Teka ano ba ‘yun? Pareho ba tayo ng iniisip?”


Dahil glowing ang wifey ni Ariel Rivera at nakakatulong daw kasi sa aura ng tao kapag ‘aktibo’, “Of course, nakakatulong ‘yun (sex life),” tumawang sagot ni Gelli.


Sa tagal na ni Gagay (tawag namin kay Gelli) sa industriya ay nagawa na niya ang lahat ng genre sa iba’t ibang panahon ng buhay niya. Tulad noong bata siya ay maraming romantic comedy na nagawa, nag-action din, nag-drama, hanggang sa umabot na siya sa edad niya na concentrated siya sa drama.


Ang katwiran ng aktres ay trabaho ito kaya tanggap siya nang tanggap, maliban sa bold dahil for sure ay hindi rin naman siya kukunin at higit sa lahat ay may hiya siya dahil sa dalawang anak niyang lalaki.


Nabanggit ang GL o girls’ love-themed projects na marami na ring gumawa, at latest ay si Judy Ann Santos sa series na Call My Manager (CMM) bilang lesbian talent manager na napapanood sa HBO.


Say ni Gelli, “Depende sa role, depende sa movie, depende sa direktor, kasi role ito (trabaho). Okay ako, kaya lang, sino’ng makakasama ko? ‘Yung same age bracket? Wala akong girl crush, eh.”


Tanong sa kanya, “‘Si Carmina Villaroel kaya?”

“Ay, ‘di ko kaya. Magtatawanan lang kami ni Mina, hindi namin kaya ‘yan,” ani Gelli.


Eh, si Candy Pangilinan?

“Ay, mas lalong hindi!” mabilis na sagot ng aktres.


Kung younger naman kay Gelli ay baka puwede si Cassy Legaspi.

Sagot niya, “Ay, parang mga pamangkin ko na ‘yun.”


Hirit pa, “Go kahit sino pa ‘yan, go!”

“What if kung si Solenn Heussaff?” tanong namin.


Natigilan ang aktres, “Ay, nahiya naman ako. Sobrang ganda nu’n!”

Kaya hayan, pinag-isip ni Gelli ang press na nagtanong sa kanya kung sino ang babagay sa kanya bilang partner if ever may offer na GL project.


Sa kabilang banda, ang pelikulang Mantsa ay must-see movie dahil may kinalaman ito sa mental health at relatable ito sa lahat, with different attack na akala natin ay kagagawan ng ibang tao kaya napunta sa ganoong sitwasyon, pero hindi pala dahil kagagawan ito ng mismong may katawan.


Medyo nahirapan si Gelli sa karakter niya at mas mabuting panoorin ito sa October 7 sa mga sinehan. 


Ang ibang kasama sa pelikula ay sina Ms. Pilar, Shira Tweg, Khai Flores, LA Santos, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, Miles Poblete, Than Perez, RJ Arior, Jass dela Torre, Ghia Garcia, Bo Bautista, Raine Barretto at Milli Marzo, with special participation of Janice de Belen and Snooky Serna.





GAGAWAN pala ng docu film ang I’mPerfect na ididirek ni Ditsi Carolino, handog ng Nathan Films.


Ito ang ibinalita ni Sylvia Sanchez nang makapanayam namin siya sa kaarawan ni Ynez Veneracion.


Aniya, “Ang I’m Perfect Docu, ‘yun ang puso ng I’mPerfect movie. Makikita ang hirap nina Krystel Go, Earl Amaba at ng iba pang bida. Tulad ng kapag nagko-collapse sila na sasabihin sa kanila, ‘Pahinga muna, sila naman.’ ‘No, let’s take,’ tapos grabe ang iyakan. Ang I’m Perfect movie, for awareness naman.”


Binanggit ding dadalhin ang docu sa ibang bansa para isali sa iba’t ibang film festivals for competition bago ipalabas sa Pilipinas sa susunod na taon.

Bakit hindi si Sigrid Andrea Bernardo ang nagdirek?


“‘Di kasi s’ya documentary director. Bale ang I’m Perfect Docu, in competition abroad o abroad to Philippines, while ‘yung movie na I’m Perfect, from Phils to abroad,” sabi ng Nathan Studios producer.


Sa susunod na taon ay magkakaroon ng online series at ipapalabas sa TV ang mga batang bida sa I’mPerfect na ididirehe pa rin ni Sigrid Andrea Bernardo na siya ring direktor sa pelikula.


“Ang ganda ng title, ayoko pang ilabas,” tila nang-aasar na sabi ng aktres-producer.

Anyway, panay ang hataw ng I’mPerfect dahil isa ito sa walong pelikulang pinagpipilian na ipadadala bilang entry ng Pilipinas sa prestigious na Academy Awards o Oscars. Bukod dito, ang dalawang lead stars ng pelikula ay nominado sa nalalapit na Gawad Urian – sina Krystel (bilang Best Actress) at Earl (bilang Best Actor).


“‘Yun ‘yung goal ko, na mapansin talaga ‘yung mga bata, ma-nominate, ‘wag na ako, ‘wag na kami, ‘yung mga bata na lang,” sambit ni Ibyang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page