Ganeeern?! HIRIT NG NETIZEN: KATHNIEL, PUWEDE NANG MAGPAKASAL DAHIL PALAOS NA
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 12, 2022

Nagpakasal lang ang kaibigan ni Daniel Padilla na si Joe Vargas, sitsit ng mga Marites, susunod na ring magse-settle down ang Kapamilya actor at girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.
Bukod kay Joe, isa pa sa mga barkada ni Daniel na si Patrick Sugui ang nagpakasal na kamakailan. Kaya malamang daw ay malapit na ring mag-propose si Daniel kay Kathryn.
For sure, gustung-gusto 'yan ng KathNiel fans.
Pero siyempre, kung may mga happy, meron ding bitter. Tulad sa ilang comments na nabasa namin sa social media.
“Palaos na rin naman, so it’s ok to settle down na.”
“At least, naranasang sumikat nang bongga, 'di ba? 'Yung iba nga d'yan, nalaos na lang, starlet pa rin. Charizz!”
“Not a super fan pero parang hindi naman siya palaos.”
“Laos man, at least, 'di nasayang ang pagod nila. They have businesses, ready to settle down.”
Say pa ng fan ni Daniel, “Daniel Padilla is the Supreme Idol of this generation and the rest to come.”
But sa true lang, ang daming nagwi-wish na magpakasal na sina Kathryn at Daniel.
“Well, sana nga, magkatuluyan sila. Sayang naman 'yung 10 years na pagsasama nila.”
Tsika ng isang Marites, “'Di naman siya 'yung issue sa friends, parang si girl.”
“Si girl lang naman talaga ang may issue sa Nguya Squad."
“Si Daniel talaga, ready na, si Kathryn ang hindi pa ready sa married life.”
Sabeeee?





Comments