top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ganeeeern?!!! RAYVER AT JULIE, 'DI PA RAW MAGDYOWA PERO MAY KANTA NA PARA SA ISA'T ISA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2022
  • 2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 20, 2022



Nasa Cebu sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz para sa Kapuso Fans Day para i-promote ang November 26 concert nilang JulieVerse to be directed by Paolo Valenciano.


Ipinangako ng dalawa sa kanilang mga fans at mga bumili ng tiket ang gabi ng lots of music, fun, interaction and kilig.


Sa mediacon pa lang, umaapaw na ang kilig kina Julie at Rayver dahil laging nakatingin ang aktor kay Julie. Si Julie naman, nako-conscious sa mga titig ni Rayver.


“Ray” ang tawag ni Julie kay Rayver at “Jules” naman ang tawag ng aktor sa aktres-singer.


Obvious na in love ang dalawa, kaya magtataka ka kung bakit hindi pa nila gawing formal ang kanilang relasyon.


Wala raw relationship reveal na mangyayari sa concert. Ang aabangan ay ang marami nilang dance prods, lots of singing at ang pagtugtog nila ng musical instruments.


Natanong si Julie kung ano ang song niya for Rayver at My Universe ng Coldplay and BTS ang sagot ng aktres.


All My Life naman ang song ni Rayver kay Julie at nagbigay pa ng sample ng song ng America habang nakatingin sa aktres.

“Ito ‘yung song na lagi kong hinaharana sa kanya sa Facetime,” sabi ni Rayver.


The concert is for the fans, sabi ni Oliver Amoroso ng Synergy at producer ng “experiential” concert at special ang lahat ng mapapanood dito. They want the audience to enter the universe of Julie and Rayver, as well as Mavy Legaspi and Kyline Alcantara na mga guests sa concert.


Sabi ni Julie, ang title ng concert ay galing sa name ng fandom nila ni Rayver na JulieVerse at nagswak sa concert na ipapakita ang journey nila from being friends, tinutukso at ngayon, nasa ligawan stage na sila.


Hindi raw gagamitin ni Rayver ang concert para sa relationship reveal nila ni Julie. May right time and place raw for that.


Madalas nang mag-concert si Julie, pero JulieVerse is special dahil first physical concert nila ni Rayver at first major concert ng aktor, kaya excited na itong mag-perform at inaanyayahan ang mga fans to watch them kasama sina Kyline at Mavy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page