top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ganeeeern?! JULIA, IPINAUUBAYA NA LANG KAY LORD ANG KASAL NILA NI GERALD

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 22, 2023




“In God’s perfect timing,” ito lang ang maikling sagot ni Julia Barretto nang matanong siya kung talagang handa na ba silang magpakasal ng boyfriend na si Gerald Anderson.


Nakatsikahan ng entertainment press si Julia sa premiere night ng latest film niya na Will You Be My Ex? held last Tuesday night at isa nga sa mga naitanong sa kanya ay ang maingay na balitang malapit na silang ikasal ni Gerald.


Hindi kasama ng aktres ang BF sa premiere night, pero very supportive naman daw ito sa bago niyang movie.


“He’s waiting me for dinner after. So, panoorin na natin (ang movie) para makapag-date na kami,” sey niya sabay-tawa.


Pero ang kanyang mommy na si Marjorie Barretto ay naroroon, kaya naman masayang-masaya pa rin si Julia.


“Mom’s always present, always supportive. Siyempre, she’s present all the time, kailangan ko siya para pampawala ng nerbiyos,” masaya pa niyang sabi.


Aside from Julia, naroroon din sa premiere night ang direktor ng pelikula na si Real Florido. Hindi naman nakarating ang leading man na si Diego Loyzaga dahil kasalukuyan itong nasa Australia, gayundin ang isa sa mga kasama sa cast na si Bea Binene.


Samantala, talagang goodbye na si Julia sa mga pa-tweetums roles dahil after Expensive Candy, may pagka-daring na naman ang kanyang karakter sa Will You Be My Ex? kung saan ay may mga intimate scenes siya with Diego, plus may eksena rin siyang nakasuot lang ng underwear.


Pero ‘icing on the cake’ lang ang mga daring scenes dahil mas lumutang naman sa movie ang kanyang acting skills sa mga mabibigat na drama scenes. Ang maganda sa aktres ay nag-i-improve ang kanyang pag-arte sa bawat proyektong ginagawa niya.


Nagsimula nang ipalabas sa mga sinehan kahapon (June 21) ang Will You Be My Ex? produced by Viva Studio, Firestarters Production and Viva Films.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page