Ganap na korporasyon bilang isang incorporator
- BULGAR
- Jul 13, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 13, 2023
Dear Chief Acosta,
Ako ay stockholder sa isang korporasyon. Nais kong malaman kung maaari bang bumuo ng isa pang korporasyon na kung saan ang aking kasalukuyang korporasyon ay magiging isa sa mga incorporators nito? - Kris
Dear Kris,
Ang batas na sasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Republic Act No. 11232 o mas kilala bilang Revised Corporation Code of the Philippines. Nakasaad sa Section 10 ng nasabing batas:
“Section 10. Number and Qualifications of Incorporators. - Any person, partnership, association or corporation, singly or jointly with others but not more than fifteen (15) in number, may organize a corporation for any lawful purpose or purposes: Provided, That natural persons who are licensed to practice a profession, and partnerships or associations organized for the purpose of practicing a profession, shall not be allowed to organize as a corporation unless otherwise provided under special laws. Incorporators who are natural persons must be of legal age.
Each incorporator of a stock corporation must own or be a subscriber to at least one (1) share of the capital stock.”
Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang isang ganap na korporasyon ay maaaring bumuo ng panibagong korporasyon, na kung saan ito ay kakatawan bilang isang incorporator. Nakasaad din sa batas na ang nasabing ganap na korporasyon, bilang incorporator ng isang stock corporation, ay kinakailangan na magmay-ari ng hindi bababa sa isang share mula sa capital stock ng panibagong korporasyon.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.








Comments