Gamitin nang tama ang police assistance gamit ang social media
ni Ka Ambo - @Bistado | December 29, 2021
KAPANSIN-PANSIN ang pagdami ng krimen ngayong Kapaskuhan.
Marami ring krimen ang patuloy na nagaganap, pero hindi nabubunyag dahil sa pananakot ng mga suspek.
◘◘◘
KAAWA-AWA ang mga biktima ng pang-aabuso, partikular ang mga paslit at kababaihan.
Wala silang kakayahang magsumbong sa awtoridad dahil may lihim silang takot.
Napapanahon ang pagsusulong ni ex-PNP chief Guillermo Eleazar na paramihin pa ang digital platform upang masaklolohan ang mga biktima ng krimen.
◘◘◘
UMAAPELA mismo ang DILG na palawakin ang 911 National Emergency Hotline para sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen.
Ibinunyag ni Eleazar na batay sa kanyang karanasan, mas pinipili ng mga biktima na manahimik at hindi na lamang magreklamo.
◘◘◘
PERO nilinaw ni Eleazar na gusto niya itong mabago sa pamamagitan ng pagsiguro sa mga biktima na may maaasahan sila sa gobyerno.
Ibig sabihin, kasangga dapat ang gobyerno ng mga biktima sa proseso ng pagsasampa ng kaso mula simula hanggang sa mahatulan ang akusado.
◘◘◘
SA panahon ni Eleazar bilang PNP chief, nabago niya ang crime reporting system sa PNP sa ilalim ng e-sumbong.
Ito ay nagbibigay-daan sa publiko na i-report ang mga krimen at humingi ng police assistance gamit ang social media.
◘◘◘
EPEKTIBO rin ang ipinatupad ni Eleazar na internal cleansing sa hanay ng kapulisan kung saan kinakasuhan, sinususpinde at sinisibak ang mga iskalawags.
Nadisiplina nang todo ni Eleazar ang kapulisan kaya’t muling nagtiwala ang mamamayan sa pulisya.
◘◘◘
NAKALULUNGKOT isipin ang ulat na sangkot sa robbery holdup ang isang grupo ng pulis kamakailan.
Hindi nagaganap ang ganyang krimen habang nakaupo si Eleazar sa PNP.





Comments