Gamit na gamit ng mga epalitiko ang social media
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 21, 2021
GAMITIN SA TAMA AT KABUTIHAN ANG SOCIAL MEDIA, ‘WAG SA KADEMONYOHAN—Dapat ang social media ay ginagamit ng netizens para sa tama at hindi sa kademonyohan.
Kapuna-puna ngayon, na ang social media ay ginagamit sa kasamaan ng mga bayarang bloggers, TikTokerist at YouTubers para magkamal ng salapi mula sa mga korup na pulitiko, pinalalabas nilang mabuting tao ang mga ito kasi kahit nangungurakot ay may nagagawa namang projects.
At dahil naimpluwensiyahan na ang isipan ng kanilang mga followers, kapuna-puna ngayon sa social media na may mga netizens na nagpo-post at nagko-comment na ang iboboto nila ay ang mga “kurakot na may nagagawa”, buwisit!
◘◘◘
‘WAG MAGREKLAMO ANG MAHIHIRAP KUNG BAKIT SILA MAHIRAP KASI TRAPO PALAGI ANG KANILANG IBINOBOTO—Kung susuriin ang mind conditioning survey na inilalabas ng iba’t ibang survey firms, palaging pasok sa Top 12 ang mga senatorial candidates na trapo (traditional politician).
Kung sakaling magkatotoo ‘yan at trapo na naman ang manalo sa senatorial election sa 2022, ‘wag magreklamo ang mahihirap kung bakit patuloy silang naghihirap kasi ang palagi nilang ibinoboto ay trapo na ang tanging hangad ay magkaroon ng kapangyarihan sa pamahalaan, magpayaman sa puwesto at walang pakialam sa naghihikahos na mamamayan, boom!





Comments