Game raw magladlad uli… "IF THE PRICE IS RIGHT" — ENCHONG
ni Julie Bonifacio @Winner | April 13, 2023

Overflowing ang saya ni Enchong Dee noong nakausap namin siya sa red carpet ng 1st Summer MMFF na ginanap sa New Frontier Theater last Tuesday, April 11.
Nominado si Enchong for Best Actor category and this is the very first time na nangyari 'yun sa kanya sa tagal na rin niya sa industriya.
Tinanong namin si Enchong kung willing ba siyang tumanggap ulit ng gay role after ng Here Comes the Groom.
Nag-isip muna ang aktor bago sumagot.
"Uh... if the price is right," ang sabi nito sabay tawa.
"Pero, hindi. Marami pang mga pelikula na nakalinya para sa 'kin with different characters, which I'm very excited for you to see, also. 'Yun muna 'yung ready ako na ipakita," sambit niya.
Excited na ibinalita ni Enchong sa amin na ang next project niya ay isang movie na ilalaban sa international film festival.
"May big revelation, pero hindi ko alam kung ako 'yung puwedeng magsabi kasi hindi pa sila nag-a-announce. But, it's going to be shown in an international film festival," lahad niya.
Dagdag pa niya, "So, next month na 'yun mangyayari and I am hoping na sila na lang mag-announce. Kasi, parang nakakahiya kung ako 'yung unang magsasabi. But, it's for an international film festival."
Will this be a role na out of his comfort zone?
"Yes," nakangiting sabi ni Enchong.





Comments