Game na raw maging lola… KARLA KINA DANIEL AT KATHRYN: MAS MARAMI, MAS MASAYA!
- BULGAR
- Apr 19, 2023
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 19, 2023

“Hindi pa. Nakakahiya na 'yun ang pinag-uusapan natin," ang natatawang sagot ni Karla Estrada nang matanong sa kumalat na isyung ikinasal na siya sa longtime boyfriend na si Jam Ignacio.
Nakapanayam si Karla ng press people after ng mediacon ng Face 2 Face na ginanap sa TV5 Studio sa Mandaluyong nu'ng Lunes.
Ayon sa singer-actress-TV host, wala pa sa plans nila ng BF ang kasal at hindi pa rin naman daw ito nagpo-propose sa kanya.
“Wala pa sa mga plans 'yun. Siguro 'pag mga 64 (yrs. old na ako),” pabirong sabi ni Karla.
Biniro siyang baka maunahan pa ng anak na si Daniel Padilla.
“Okay lang. Mas importante ang love life nila kesa sa akin,” natatawa niyang sabi.
Tinanong namin siya kung napi-feel na ba niyang ready nang magpakasal si DJ (palayaw ni Daniel) sa GF na si Kathryn Bernardo?
Aniya, “Oo naman. Kasi ang mga anak ko naman, hindi naman maitatago 'pag ikaw ang nanay lalo. Hands-on ka, 'di ba, na lumaki sa 'yo?
“Kilala mo talaga sila. Oo naman. Pero siyempre, at the end of the day, sila talaga ang magdedesisyon kung ano 'yung gusto nilang mangyari sa mga buhay nila.”

At sa tanong kung ready na rin siyang maging lola, “I’m so ready anytime!” mabilis niyang sabi.
Ilang apo ang gusto niya?
“Ay, naku! Sanay kami na maraming pamilya, kaya hangga’t ilan ang kaya, perfect! Mas madami, mas masaya,” hirit pa ni Karla.
True! Sanay na sanay talaga si Karla sa maraming tao sa paligid niya kaya bagay na bagay at kering-keri talaga niyang maging host ng Face 2 Face na magbabalik na sa May 1, Monday to Friday, 11 AM sa TV5 at 8 PM sa One PH, na available on Cignal Ch. 1, SatLite Ch. 1, and Cignal Play.
Co-host ni Karla sa F2F ang stand-up comedian na si Alex Calleja at makakasama rin nila ang Trio Tagapayo na binubuo nina Atty. Lorna Kapunan, Dr. Love at Dr. Camille Garcia.
Nandiyan din ang dalawang "Marifes" para umawat sa mga posibleng magbangayan sa show.




Comments